Chapter 56 Hotter

2009 Words

Pagkatapos naming mag-dinner ay nagulat ako nang biglang magtayo ng isang malaking tent dito sa garden ang mga tauhan ni Romano. Pagkatapos ay kinargahan pa nila iyon ng isang makapal na kutson. Hindi rin mawawala ang malalaking unan at comforter. “Ang laki naman ng tent na ito. Ilan ba tayong matutulog dito?” natanong ko kay Romano. “Tayong dalawa lang,” sagot naman niya. “Bakit ang laki?” namamangha na namang tanogn ko. Natawa naman siya saka lumapit sa akin at bumulong. “Para kahit magpagulong-gulong tayo ay walang magiging problema!” Nanlaki na naman ang mga mata ko sa sinabi niya at nahampas ko siya sa braso. “Ang halay-halay mo talaga!” asik ko sa kaniya. Pero ang loko tumawa lang. “Go and do your night routine. Then we will watch the moon together. O, gusto mo manood tayo ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD