“Yes. At kung totoong pinatay nga siya, she really deserves justice for it. Pero maliban kay Austin ay mayroon pa raw itong ibang kasabwat na hindi lang alam ni Noreen kung sino,” tugon ni Romano sa tanong ko. “Kung gano’n kailangan mo pa ng mas matibay na ebidensya para mapatunayan ito. Dapat lang na malinis ang pangalan mo dahil wala ka naman talagang ginagawang masama,” udyok ko sa kaniya. Tinanguan naman niya ang sinabi ko. “You’re right. At pagbabayarin ko rin ang mga taong pilit akong idinidiin sa kasalanang wala naman akong kinalaman. Pero uunahin ko munang turuan ng leksyon ang Austin na iyon. Ipakikita ko lang sa kaniya na hindi tatanga-tanga ang binangga niya,” matalim ang mga matang pahayag ni Romano. Muli akong nagbuga ng hangin. “Pero ang gumugulo talaga sa isip ko ay kung

