“Hello? Rossa? Thank God! Gustong-gusto kitang makausap dahil magpapaliwanag ako. Please paking–” “Totoo ba? Totoo bang may anak na kayo ni Akhira?” putol kong tanong agad sa kaniya. Mariin na ang pagkakadikit ng mga ngipin ko dahil sa matinding sama ng loob. “Please, Rossa, maniwala ka hindi ko ginusto iyon. Pakana lang lahat ni Akhira iyon. Please let me explain!” pagsusumamo naman niya. Pero tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko dahil kinumpirma niya lang ang lahat. “Pakana? Bakit? Tinutukan ka ba niya ng baril?” galit kong sumbat sa kaniya. Halos pumiyok ang boses ko. Balak pa yatang bilugin ang ulo ko at pagmukhain akong tanga. “Nilasing niya ako, Rossa. Nilasing niya ako kaya may nangyari sa amin. Wala ako sa tamang pag-iisip noong akitin niya ako. Sinabi niya sa aking matagal na

