Dahan-dahan niya akong ibinaba sa may bathtub na puno na ng bula at ang mabangong aroma ay pumupuno sa buong banyo. Naupo siya sa may bandang gilid at nakatitig lang sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. “You are so beautiful, my love…” Napangiti ako at bahagyang nakagat ang pang-ibabang labi ko sa itinawag niya sa akin – my love. Ang sarap pakinggan. Sana lang totoo pero alam kong endearment lang niya iyon para sa akin. Wala iyong ibang kahulugan. “Romano, may gusto akong tanungin,” sambit ko. Kumibot naman ang kilay niya at ngumiti nang bahagya. “What is it?” patuloy lang siya sa paghaplos sa pisngi ko at hinawi pa nga ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. “Paano kung hindi kita mabigyan ng anak? O kaya, hindi pala ako puwedeng magkaanak, ano’ng gagawin mo?” mabuway

