Pag-uwi namin sa bahay ay walang lingon-likod akong dumiretso paakyat sa kuwarto namin. Nanggagalaiti pa rin kasi ako sa inis sa Love Bel na iyon. Ang kapal ng mukha niya, as in talaga! “Baby, what’s wrong? What’s making you so angry?” nag-aalalang tanong na ni Romano noong ganap na kaming makapasok sa kuwarto. Marahas akong nagbuga ng hangin. “Hindi ko kayang makasama si Love Bel sa iisang bahay. So, it’s either ibalik mo siya sa Mommy mo, o tumira tayo sa ibang bahay na hindi ko siya kasama!” angil ko. Nanggigigil talaga ako kapag naalala ko iyong pagsagot-sagot ni Love bel. Malakas ang loob niya dahil alam niyang siya ang kakampihan ng mga magulang ni Romano. Kapag magsalita ako, baka ako pa ang lumabas na naninirang-puri lalo na at wala naman akong maipakikitang katibayan na may re

