TEASER
TEASER
NAGISING ang ulirat ko nang mapagtanto kong parang ang lawig yata ng tulog ko.
Dahan-dahang inunat ang aking mga kamay at kinapa-kapa ang side table dito sa headboard ng aking kama. Nang mahawakan na ang smartphone ko, hinarap ko iyon sa aking mukha at unti-unting inangat ang sobrang bigat kong mga talukap.
“LAGOT! LATE NA AKO!”
Lumaki ng todo ang mga mata ko nang makita ang digital clock sa screen ng phone ko. Alas dyes na ng umaga. Madapa-dapa akong kumaripas ng takbo sa loob ng walk in closet.
Sinuot ulit ang uniporme kong hindi ko nalabhan kagabi. Wala na akong oras mag-ayos ng sarili at lumabas ako ng bahay. Mabuti na lang, naka-para agad ako ng masasakyan. Sa loob ng taxi na lang ako nag-tanggal ng muta at bakas ng laway sa sulok ng mga labi ko.
“Miss, ayos ka lang ba?”
Habang napapangiwi, tumitig ako sa rear view mirror doon sa front seat at nagkatitigan kami ng driver.
“A-Ayos lang po ako… baldado lang ng trabaho kagabi.” Nginitian ko pa ng hilaw at pumikit ako ng mariin.
Sa pagmamadali ko, ngayon ko lang nainda ang nananalaytay na sakit ng buo kong katawan.
Lalong-lalo na ang aking balakang, likod, mga hita, puwet at ‘yong isa pang... sensitibong parte.
Parang hindi ako maka-galaw ng maayos.
“Saan ka ba nagtatrabaho at pagod na pagod ka, Miss?”
“Sa… malaking motor corporation ng… automotive industry po…”
“Mukhang napakahirap naman yata ng trabaho mo, Miss…”
“Ay, opo… sinabi n’yo pa… napakahirap talaga… sobrang… hirap…” Bumagal ang pagsasalita habang pilit kong kinukurba ang mga labi ko. “Paki hatid na lang po ako sa labas ng gate ng Gundolf property…”
Nang makarating na ako sa private property, pumasok na ako sa main gate at sumakay ng kotche na company service. Lumipas ang mahabang mga minuto, narating ko na ang Engineering department.
Habang papasok pa lang ako ng entrance, ang iinit na ng mga mata ng front desks sa ‘kin pero niyuko ko na lang ang ulo at sumakay na ng elevator patungong storage room. Kinuha ko roon ang gamit panlinis at dumiretso sa executive restroom.
Pag-pasok ko roon, parang uuwi na lang ako nang masilayan ko ang cleaning manager namin na nagaabang sa ‘kin. Naka-salpok ang mga kilay habang naka-pamewang.
“DOROTHIA DE VALLE! YOU ARE LATE AGAIN!”
Saglit akong pumikit at kasabay na binuga ang mahinahong buntong hininga. Mabagal akong humakbang patungo sa kan’yang kinatatayuan.
Hindi pantay ang aking lakad. Kaya ako pinagtitinginan kanina dahil paika-ika ako.
“If you keep coming late, I will file a complaint to fire you! And look at your face! Ano ba ang pinagagawa mo sa buhay at ganiyan ka na lang ka-haggard, Miss De Valle?! Daig mo pa ang may limang anak! I did everything to warn you! And let me guess… you missed the alarm again!”
“Y-Yes, Sir. Hindi ko narinig ang alarm clock.” Bumuga s’ya ng marahas na hininga.
“Dorothia, if you can’t manage your time, please... just quit!”
Habang sinisermunan ako ni Sir Luca, narinig kong bumukas ang pintuan nitong executive restroom.
Biglang tumahimik itong manager. “Good morning, Sir…” magalang n’yang binati ang pumasok. Hindi nag-tangkang bungangaan ako at pinakinggan ko naman ang bawat yabag ng taong humahakbang palapit sa ‘min.
Hanggang sa dinaanan n’ya kami at mariin kong kinagat ang ibabang parte ng labi ko nang masilayan kung sino itong pumasok.
Dumiretso s’ya sa urinal bowl doon sa dulo. Um-echo pa kung paano n’ya binaba ang zipper at kasunod no’n, ang malakas na puswit ng ihi na umuugong dito sa loob.
Ilang segundo bago natapos at lumakad na naman patungo sa pintuan. Nilagpasan n’ya kami ni Sir Luca. Nalanghap ko pa ang kan’yang pabango.
Pag-sara ng pinto, doon ulit ako pinagalitan ng pinagalitan ni Sir. Tiniis ko ulit ang mahabang sermon n’ya sa ‘kin.
Kasalanan ‘to ng lalakeng ‘yon…
Ang taong umihi rito sa restroom, s’ya lang naman ang dahilan kung bakit ako na-l-late.
Damang-dama ko ang sakit ng katawan ko dahil hanggang alas dos ng madaling araw n’ya ako pinagsawaan.
Isa lang naman akong... cleaner sa umaga at parausan ni Engineer Arturo Gundolf sa gabi.