bc

Blazing Mirror

book_age18+
138
FOLLOW
1K
READ
revenge
sex
drama
twisted
serious
mystery
betrayal
cheating
crime
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Everyone is battling their personal demons, but Alexandra Tolentino is chilling with hers. She takes someone's life in order to punish the woman who killed her mother inadvertently.

But she had no idea that the life she had stolen had a significant impact on her own.

She became aware that as she carried out her vengeance, she was progressively unveiling a hidden mirror that was blazing.

chap-preview
Free preview
BM0
Somebody said, If you hate a person, you hate something about them that is part of yourself. I hated myself for what I've decided. Hindi ko na matatakasan 'to at mas lalong hindi ko na makalilimutan. Dinampot ko ang blower at itinapon 'yon sa salamin dahilan para gumawa ito ng malakas na ingay nang mabasag ito. Dinig ko ang pagsinghap ng hand maiden nang pumasok siya sa banyo. "Linisin mo," utos ko at nilisan ang magulong banyo. In my life there's only one lesson I've learned, don't make decisions when you're desperate or frustrated. People are capable of doing things especially if that person is desperate to get someone or something. And one of these people is definitely me. If my real mother is still alive, she will brand me a thief. Maybe she would understand, para din naman sa kaniya ang ginagawa ko. Kung nasaan man ako napadpad ngayon, dahil 'yon sa hustisyang hindi ko nakamtan. Pero hindi ako kagaya ng iba na susuko na lamang dahil walang magawa. Habang nabubuhay ako hinding-hindi ako susuko hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan. Gusto kong itama ang lahat pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Dahil pati sarili ko ay mali. Maling-mali... "Binasag mo na naman ang salamin..." panimula ni Daven, we are now heading in school where I rule. Sinulyapan niya ako saglit sa rear mirror bago ibinalik ang tingin sa hawak niyang tablet na parang kakambal na yata niya. "Dahil naiinis ako," maikling paliwang ko at ibinalik ang tingin sa bintana. "Bakit ka naiinis? Maganda ka naman..." pamimitin niya. Hindi ko siya sinagot at itinutok na lang ang sarili sa mga gusaling nadaraanan namin. Ilang minuto ang lumipas bago kami dumating sa harap ng SIS, dito kasi ginanap ang Sport's Fest. Kaagad akong pinagbuksan ng pinto ng driver at ibinigay sa 'kin ang pana at palaso na gagamitin ko para turuan ang pambato sa Archery ng BIS. I raised an eyebrow nang makita ko si Daven na sumusunod sa 'kin. Nagpalinga-linga siya sa paligid animo'y hindi siya ang tinaasan ko ng kilay. Kinuha niya ang pana at palaso sa 'kin. "You don't have work?" Umiling siya nang pasimple. I tsked. Bahala na siya kung anong gagawin niya. Noong nakaraang linggo kasi may pinapatrabaho ang ama ni Astrid sa kaniya. Napaigtad ako nang may biglang umangkla sa 'king braso. Sumalubong sa 'kin ang nakakainis na ngiti ni Red, mayro'ng nakasabit sa likod niya na pana at palaso. "What a nice day to begin with!" masigla niyang wika. Napahinto siya kaya napahinto rin kami ni Daven. Kailan ko ba matatakasan ang babaeng 'to? Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang seryosong nakatitig sa 'kin. "Astrid, hindi porke't natalo mo si Gwen na alaga ko ay dapat kampante na tayo— este kayo pala! Dapat maipanalo mo ang school na magiging sa 'yo rin in the future!" Mas lalong sumama ang timpla ng araw ko ngayon. Tinanggal ko ang kamay niya na nasa balikat ko at naunang maglakad. Ayokong malaman ng iba na hindi kami maayos ni Sage pagkatapos ng nangyari. Rinig ko ang tawa niya sa 'kin. May binulong pa siyang bagay raw kami. We will never be nice to each other anymore. Sapat na ang minsang nagpadala kami sa tukso ng isa't-isa. Pagkatapos ng nagawa ko sa 'kanya, para na siyang pinakuluang tubig sa tuwing nagkikita kami. Galit na galit. I immediately looked away when I saw him in corridor walking so f*****g cool, his hands is on his pocket. Lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong niya ay binabati siya. I can't deny the fact that he's so hot in just a simple white v-neck shirt. Damn! Kaagad siyang ngumisi nang namataan kami. "Good morning, Sir Besabella!" masiglang bati ni Red. Tumango lang si Sage, ganun din si Daven sa kaniya. Three of them waited for my response. Inirapan ko silang lahat bago nagsimulang maglakad ngunit parang nabitin ang mga paa ko nang makakita ng pamilyar na bulto. Bakit nandito siya? Sinundan ko siya ng tingin nang makitang pumunta siya sa kabilang building. Biglang sumama ang pakiramdam ko. "May pupuntahan lang ako saglit," paalam ko sa kanilang lahat "Ha? Saan? Malapit na…" Wala na akong sinayang na oras. Kaagad akong pumunta sa kabilang building, tinawid ko muna ang field kung saan kami naglaro kahapon. There's a bunch of students playing soccer. "Damn…" mahinang bulong ko habang paakyat sa ikatlong floor ng building ng mga Bussiness Ad. Akmang bababa na sana ako sa isang palapag nang mayroong humila sa 'kin. Impit akong napahiyaw. Hindi nga ako nagkamali… Nag-aalab na mga mata niya ang sumalubong sa 'kin. Bakit ngayon pa? Pwedeng sa ibang lugar na lang? Dammit! "S-Sino ka?" pagsisinungaling ko. "Hindi tatalab sa 'kin 'yan, Alexa." Diniinan niya ang pangalan ko. "You look like her!" sigaw niya at kaagad akong nag-iwas ng tingin. Paano siya nakauwi? My eyes widened, when she pinned me on the wall at sapilitang itinaas ang laylayan ng uniporme ko. Alam ko kung ano ang gusto niyang makita doon. "Ano ba?" sigaw ko at pilit na iniaalis ang magaspang niyang kamay na nasa beywang ko. Right now, I have no idea why I'm chickening out! Kahit anong pigil ko, ay hindi ko pa rin maialis ang kamay niya. "Ikaw nga!" she said, after seeing my tattoo and scar successfully. Tangina! Ang peklat na 'to ang siyang magdadala sa 'kin sa bingit ng kamatayan! I saw how ripped my uniform is, I was about to slap her… When someone hit him hard on her face causing her to lay down on the floor. "Ariella!" sigaw ko at dadaluhan na sana siya nang mayro'ng pumigil sa 'kin. Mariin ang pagkahawak niya sa aking braso. "Anong…" How can he hit Ariella? She's a woman for pete's sake! Nabitin ang sasabihin ko nang hinubad niya ang kaniyang damit at ipinulupot sa beywang ko kung saan nando'n ang tattoo. Gano'n na ba talaga ang panginginig ko at ni hindi ko man lang namalayan na napunit pala ni Ariella ang uniporme ko? (pr: you just told how ripped your uniform is) I thought it was done but when he saw that Ariella was about to stand up, the great Sage struck Ariella again. "Tama na!" sigaw ko at pipigilan na sana siya nang biglang tumama sa tiyan ko ang kaniyang siko. Sage stopped when he saw my reaction, mas lalong humigpit ang hawak niya sa pulso ni Ariella. Ariella moaned in pain. "Alexa!" Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na tumawag sa 'kin. Sinulyapan niya si Sage na pinupunasan ang dugo sa labi niya gamit ang hintuturo. Daven's attention diverted to Ariella. Lumipad ang tingin ni Daven sa uniporme kong punit na. I'm still holding my stomach, feeling the pain. I saw how Daven's jaw clenched and his hand turned into a fist. Kaagad akong tumayo at niyakap siya patalikod, nang makitang lalapitan niya sana si Ariella. "Huwag…" Ayokong saktan na naman niya ulit si Ariella! Hindi ko mapigilang mapatingin kay Sage na ngayon ay mahigpit ang hawak sa pulso ni Ariella. His eyes is full of anger and… sadness. But the sadness I saw suddenly disappeared. Maybe, I'm just hallucinating? Napalitan ang kalungkutan ng galit. I know, Sage! Your eyes is telling me that my karma is now attacking me! Hindi ko inaasahan na ganito pala kalupit ang karmang sinasabi mo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook