NYX ARIANE'S POV Antok na antok ako nang pumasok sa opisina kinabukasan. Hindi ko mapigilang hindi maghikab. Sino naman kasing nasa matinong pag-iisip ang makakatulog kung may katabi kang pervert? Napabuntong-hininga nalang ako. Gulong gulo ang isip ko nang magising at mapatitig sa gwapo nyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina na parang komportableng komportable siya kahit na katabi nya ako. Samantalang ako ay halos walang naitulog dahil sa kakaisip sa pagbabagong nangyayari sa buhay ko. Sabagay, babaero nga pala ang isang 'to kaya malamang ay sanay syang makakita ng hubo't hubad na babae pagkagising nya. Napasimangot na naman ako dahil sa naisip. Sakto namang bumukas ang pinto ng private office ko at iniluwa si Trish. Awtomatikong napatingin ito sa wrist watch at kumunot ang noo. Me

