NYX ARIANE'S POV Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nililipad ang lahat ng antok ko tuwing maaalala ang nangyari kagabi. Hindi ko mapigilang mamula tuwing maiisip ko ang mga pinagsasabi ko. Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa kahit na anong matigas na bagay dahil sa pagiging reckless ko. Gusto kong sisihin ang alak na ininom ko pero kapag naaalala kong matino ang pag-iisip ko kagabi ay napapahiya lang ako. "Relax, Nyx.. isipin mo na lang na masamang panaginip lang ang nangyaring 'yon." Pilit kong kinakalma ang sarili bago lumabas ng kwarto. Agad nakaramdam ako ng gutom kaya dumiretso na ako sa kusina. Naabutan kong may nakatakip na pagkain sa mesa at may maliit na note. Binasa ko ito habang tumutusok ng hotdog mula sa plato. Galing ang note kay Manang. Ang maid namin dito sa co

