NYX ARIANE'S POV Huminga ako ng malalim bago ko sya lingunin. Blangko ang ekspresyon na nakita ko sa mga mata nya. Very far from the guy I loved almost a year ago. "What?" ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya na matagal kong inipon para sa muli naming paghaharap ay wala akong nasabi kahit na isa. Nakapamulsang ngumiti sya sa akin ng alanganin bago nagsalita. "It's been a year. Kamusta ka na?" he asked as if we were in good terms the last time we saw each other. "You've changed a lot.. You look even great." puna nito habang sinusuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumiti ako ng pilit. Gusto kong sabihin na I am always this great, ikaw lang itong hindi nakuntento. Pero pinili kong manahimik na lang. "I'm good." walang ganang sagot ko na h

