NYX ARIANE'S POV I woke up late the next day. Walang pasok kaya hawak ko ang oras ko. Agad na bumangon ako at naligo, pagkatapos ay nagpasya ng lumabas ng kwarto para kumain. Ginutom ako sa amoy ng bacon at kape kaya agad akong tumungo sa kusina. I was expecting na si Vodie ang madadatnan kong nagluluto pero nagulat ako nang si Manang ang nakita ko. Napatingin sya sa'kin at ngumiti. Nginitian ko sya pabalik. "Magandang umaga, Hija." bati nito habang inilalagay sa plato ang napritong bacon. "Good morning din po. Kelan pa ho kayo dumating? Kamusta ho yung anak at bagong apo nyo?" usisa ko at naupo para makipagkwentuhan saglit. "Kagabi lang, Hija. Hindi ko na kayo ginising at medyo dis-oras na yun ng gabi." ngiti nito. Tumango ako at tumayo para kumuha ng fresh milk sa fridge. "Pasensy

