NYX ARIANE'S POV Halos madurog na ang phone ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko nito matapos kong mabasa ang text message ni Vodie. Agad na nag-type ako ng message para ireply sa kanya. Me: SIRAULO!!!!! Agad na ibinalik ko ang phone sa bulsa ko pagkatapos. Arg! Nanggigigil talaga ako sa lalaking 'yun! "Huy!" Napatingin ako kay Trish na ngayon ay kunot-noong pinagmamasdan ako. "Anong nangyari sayo? Sino ba 'yung nagtext at para kang papatay ng tao dyan?" Tanong nito. 'Makakapatay na talaga ako ng malanding lalake pag hindi pa tumigil sa kakatext ang babaerong Vodie na yun!' gigil na sagot ko sa isip. Umiling nalang ako sa tanong ni Trish. "Wala..." simpleng sagot ko. Napataas naman ang kilay nya pero unti-unti ring tumango. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko pero ag

