NYX ARIANE'S POV Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa 'patungang' nangyari sa amin ni Vodie. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil tumunganga lang ako sa kanya matapos mangyari iyon. Dahil kung nasa 'katinuan' lang ako ay hindi na sya makakalabas ng bahay ngayon dahil puro kalmot ang mukha nya. "Kumain na po kayo, Ma'am." bungad sa akin ng medyo may edad ng babae na kinuha ng mga kuya ko para samahan kami ni Vodie dito. Wala daw silang tiwala sa babaerong si Vodie kaya heto at nagpadala sila ng makakasama at gagawa narin ng mga gawaing bahay dito sa condo ni Vodie. "Salamat, Manang." Umupo ako at luminga. Nasaan naman kaya ang isang 'yun? Wala ba syang balak pumasok sa opisina? Tsk. "Sya nga po pala, Ma'am.." Napaangat ang tingin ko nang magsalita muli si Manang. "Po?" "Pina

