NYX ARIANE'S POV Parang saglit na tumigil ang mundo ko nang marinig ang huling sinabi ni Vodie. Tama ba ang narinig ko? Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakikinig lang sa mga sinasabi nya. I couldn't even utter even a single word. "A-Anong s-sabi mo?" tanong ko pero nag-iwas siya ng tingin. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko sa paghihintay. I wanna hear it clearly. Hindi siya umimik at nanatiling hindi nakatingin sa'kin. "Vodie?" tawag ko at sa wakas ay nilingon nya ako. Kunot ang noo nya at hinawi ang buhok pero nanatili ang kamay nyang nakasabunot doon. "Hindi ko sinadya, okay?" parang galit pa na sabi nito. Binalingan nya ako pero agad ding nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano at paano ako magrereact. Sa huli, hinayaan ko nalang syang magsalita ng magsalita. Nana

