Chapter 3

1146 Words
BILLIONAIRE SERIES #3 TRSB C3 MARGA POV “Open this! If you don’t want me to hurt you!” Hinawakan ko ng mahigpit ang siradura ng pinto para hindi niya ito mabuksan. Malakas rin ang kabog nang aking dibdib dahil sa ginagawa nang walang kwenta kong step brother. Ano ba kasi ang problema niya? wala naman sana akong ginawa na ikagagalit niya. “I said open this!” “No!! Can you leave me alone! Please!” “You made me laugh, do you really want to know who I am?” mas lalo akong kinabahan dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko rin maasahan ang mga katulong dito sa bahay dahil mukhang takot sila kay Elias. Kabago-bago pa lang niya rito sa bahay, pero bakit mas takot sila sa kanya kaysa sa akin? “Daddy…” sambit ko habang nag-uumpisa nang bumagsak ang aking mga luha sa pisngi. “Open this Marga!” “Ayoko nga eh! Bingi ka ba?!” “Talagang matapang ka?” Napahawak ako sa aking dibdib nang pamansin na papalayo ang kanyang yapak. “Daddy…” I promise pagdating ni Daddy at Tita Eli Rose isusumbong ko talaga ang Elia-. “Elias…” Sambit ko habang malawak ang kanyang ngisi na nakatingin sa akin. “P-paano…ahhh! Bitawan mo akong hayop ka!!” Nagpupumiglas ako dahil sa ginawa niyang paghila sa akin. “Bitawan mo ako Elias!!” Napahiga ako sa kama nang malakas niya akong itulak dito. “Ang kapal mo!! Isusumbong talaga kita sa Daddy ko!!” ngumisi naman siya nang nakaka-insulto kaya umusog ako sa dulo ng kama. “Really?” nababaliw na talaga siya. “Oo! At sasabihin kong inaalila mo ak-. Ahhh! Ano ba?!!” Napatingala ako habang hinila niya ang aking buhok. “Ano bang kasalanan ko sa ‘yo ha?!” hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tanungin siya dahil sa pananakit na ginawa niya sa akin. isa pa wala naman siyang karapatan na saktan ako dahil hindi ko naman siya kaano-ano. “Kuya, nasasaktan ako,” iyak kong pagmamaka-awa sa kanya dahil ang sakit na ng ulo ko dahil hinihila niya nang husto ang aking buhok. “What did you say?” mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin dahil sa sinabi ko. “Ano bang kasalanan ko sa ‘yo?” “Maang-maangan?” “Kuya,” “Enough!!” “Alam mo isa kang opurtunista,” “Hindi ako ganu’n!” “Shut up!” “Hindi ko kasalanan kung magugustuhan nang Mommy mo ang Daddy ko! kung ako lang ayokong mag-asawa siya! at lalong ayokong maging kapatid ang isang katulad mo!!” Napahiga akong muli sa kama nang malakas niya akong sampalin. “Sige, kung ‘yan ang ikasasaya mo….patayin mo na lang ako,” “Tsk, don’t make it rush, darating din tayo r’yan.” Aniya habang bumaba sa kama. Napahagulhol naman ako nang iyak habang lumabas siya. “Hayop ka Elias, isusumbong talaga kita sa Daddy ko,” unti-unti ko namang ipinikit ang aking mga mata dahil sa pagod at sakit na aking nararamdaman. NAPAMULAT ako nang aking mga mata at napatingin sa orasan. Agad akong napabalikwas nang bangon at pumunta sa pinto para buksan ito, pero kahit ilang beses ko na itong inikot ay hindi ko mabuksan. “Manang!!” Sigaw ko habang kinakatok nang malakas ang pinto. “Manang!! Pakibuksan naman po ang pinto please!!!” napahinga ako nang maluwag nang marinig ang mga yapak mula sa labas. “Ma’am Marga,” sambit ni Manang ng mabuksan niya ang pinto. “Bakit ang tagal mong binuksan ang pinto? At bakit mo ako ni-lock dito sa loob ha? Lagot ka talaga kay Daddy dahil isusumbong kita sa kanya!” galit kong wika sa kanya. “Ano’ng oras na? ipaghanda mo ako ng pagkain at pupunta ako sa mga kaibigan ko.” Ani ko habang pumasok sa wardrobe. Kailangan kong umalis dahil naiinis ako, mas maganda na rin siguro na roon muna ako mag stay sa mga kaibigan ko para maiwasan ko ang Elias na ‘yon. Agad naman bumalik ang takot na nararamdaman ko nang maalala ang sinabi niya kanina. Papatayin niya raw ako. “M-Manang.” Lingon kong tawag sa kanya pero namilog ang aking mga mata nang makita ko si Elias. “N-nasa’n si Manang?” malakas namang kumabog ang aking dibdib habang nakatitig lang siya sa akin. “Aalis ka?” Dahan-dahan akong tumango dahil sa kanyang sinabi. “Saan mo balak pumunta?” “S-sa mga friends ko,” mahinang sagot ko sa kanya. “Pumayag ba ako?” “E-Elias.” Napapitlag ako nang malakas niyang itapon ang flower base na nakapatong sa misa. “Bakit mo ginawa ‘yon?” Iyak kong wika habang nilapitan ang flower base. Mula bata pa ako ay ini-ngatan ko na ito, dahil regalo ito ni Mommy sa akin. “Why are you asking?” Masama ko siyang tiningnan dahil sa kanyang sinabi. “Alam mo ba na ito na lang ang ala-ala ni Mommy sa akin ha?! Binasag mo pa! wala ka talagang puso!” Galit naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ako nang mahigpit sa aking braso. “Gusto mo bang makita kung gaano ako ka walang puso?” Mabilis naman akong umiling dahil sa sinabi niya, dahil natakot ako sa posibleng gawin niya sa akin. “Tama na, nasasaktan na ako eh, ano bang gusto mong gawin ko?” iyak kong tanong sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Ngumisi naman siya dahil sa sinabi ko sa kanya. “Really? are you welling to do everything?” Tumango ako sa kanya dahil ayoko na saktan niya akong muli. “Kiss me,” namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niya sa akin. baliw ba siya? b-bakit ko naman siya hahalikan? “Ayaw mo?” Mabilis ko naman siyang hinalikan sa kanyang pisngi para hindi na siya magalit. “Good, masunurin ka naman pala, akala ko pa naman magmatigas ka pa, dahil ang alam ko sobrang maldita mo ‘di ba? halos lahat nga nang mga katulong niyo ay pinapalayas mo ‘di ba?” “K-kasi, hindi nila ako sinusunod,” mahina ko namang sagot sa kanya. totoo rin naman kasi ang sinasabi niya, pinapa-alis ko ang mga katulong namin kapag naiinis ako. “Talaga, kaya ito isuot mo.” Napatingin ako sa damit na binigay niya sa akin at hindi makapaniwala na tumingin muli sa kanya. “B-bakit mo ‘to binigay sa akin?” “Bakit hindi? Simula ngayon ikaw na ang magiging personal yaya ko?” “A-ano?” “Bakit? Ayaw mo? Ayaw mo bang alagaan ako?” “P-pero…h-hindi naman ako marunong,” “Kaya nga dapat matoto ka!!” Muli akong napapitlag dahil sa malakas niyang pagsigaw sa akin, habang mabilis din akong tumango sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD