BILLIONAIRE SERIES #3 TRSB C4
MARGA POV
Hindi ko mapigilang makaramdam nang kaba habang nakatingin si Elias sa pagkaing niluto ko. alam kong magagalit siya dahil sunog ang mga ito. Hindi naman kasi ako marunong magluto kaya naging ganu’n ang mga pagkain, isa pa ayaw niya na tulungan ako nang mga katulong.
“Sa tingin mo makakain ‘to?”
“S-sorry, h-hindi naman kasi talaga ako maruno-.” Napapitlag ako nang hampasin niya ng malakas ang lamisa.
“U-uliti-.”
“No!” Nag-uunahan nang maglandas ang aking mga luha habang nakatingin sa kanya na napahawak sa kanyang ulo.
“Let’s go,”
“S-saan?”
“Sinabi ko bang magtanong ka?” Umiling naman ako sa kanya habang sumunod sa kanya.
“Open the door.” Agad akong umikot at binuksan ang pinto ng driver seat. Nang mabuksan ko ito ay agad na siyang sumakay kaya isinara ko na ito.
Dali-dali rin akong pumasok sa front seat para hindi siya magalit sa akin.
Napatingin lang ako sa bintana habang binabaybay namin ang daan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at wala na rin akong balak na magtanong sa kanya dahil baka magagalit na naman siya.
“Baba.” Napatingin ako sa paligid at nakitang isang mamahaling restaurant ang hinintuan namin. Napatingin din ako sa aking damit dahil nakakahiya kung papasok ako, sa loob paano na lang kapag nakita ako nang mga kaibigan at schoolmate ko? baka pagtawanan nila ako dahil sa itsura ko.
“Bingi ka ba?” Kahit labag sa kalooban ko ay binuksan ko na ang pinto ng kotse at umikot sa para buksan ang pinto malapit sa kanya.
“What are you waiting for?” nagyuko ako at hindi tumingin sa kanya.
“D-dito na lang ako,” narinig ko naman ang kanyang halakhak dahil sa sinabi ko sa kanya.
“Are you afraid to go inside? Why?”
“H-hindi naman, a-ayoko kasing k-kumain b-busog k-kasi ako,” pagdadahilan ko naman sa kanya kahit gutom talaga ako.
“Sinabi ko bang paka-inin kita sa loob?” nag-init ang aking mukha dahil sa sinabi ni Elias. Walang hiya talaga ang yabang niya, nakuha niya pa akong ipahiya.
“Sumunod ka kung ayaw mong kaladkarin kita papasok.” Madiin niyang wika kaya sumunod ako sa kanya. kahit naiilang akong pumasok dahil sa suot ko ay wala akong magagawa.
“Hey Dude!” Nag-angat ako nang mukha at nakita ang dalawang lalaki na naka-upo. Lumapit si Elias sa kanila kaya sumunod ako.
“Who’s that?” Tinaasan ko naman nang kilay ang lalaking nagtanong sa kanya.
“Wow! Mukhang palaban Dude,” natatawa nitong wika. Hmm, akala siguro madadala ako sa ka-gwapohan niya, pero ang pogi niya talaga lalo na ‘yong katabi niya.
“Hey, ‘wag mong titigan nang ganyan si Caleb, may asawa at anak na ‘to,” natatawa niya namang wika habang nakasimangot ang sinabi niyang Caleb. Hindi ko naman kasi siya type, crush lang nang konti.
“Bakit ikaw wala?” Napatingin ako sa kanya habang malakas itong tumawa.
“Don’t forget that you kidnap-.”
“Shhh, ‘di ka naman mabiro,”
“Ano ba ‘yang mga pagkain na in-order n’yo?” Tumabi ako sa sulok habang umupo si Elias sa tabi nila.
“Hey, ‘di mo ba paupuin ang kasama mo?”
“Don’t mind her,”
“Siya ba ‘yong little sister mo?” nagyuko ako dahil sa tanong niya. bakit ang daldal niya at paano niya na laman na little sister ako nang walang kwentang Elias na ‘to? pero hindi niya naman ako itinuturing na kapatid. hindi ko mapigilang malungkot nang maalala ang ginagawa niyang pananakit sa akin.
“She’s my maid,”
“Maid? But sinama mo? Nasa’n ba ang kapatid mo?”
“Can you stop Dude? You know that I don’t have any sibling,”
“Yes, dati? Pero ngayon ‘di ba meron na?”
“Shut up!”
“Hey, lady set down here.” Napatingin ako sa upuan malapit kay Caleb. Akala ko masama ugali nito dahil nakasimangot lang ‘to pero mukha naman pa lang mabait.
Uupo na sana ako malapit sa kanya pero mabilis na tumayo si Elias at hinila niya ang aking braso.
“Hey! Easy nasasaktan mo na,”
“Nagmamalinis?” muli namang napahalakhak ang lalaking madaldal dahil sa sinabi ni Elias, kaya kumunot lalo ang kanyang noo.
“Do’n na lang ako,” Turo ko naman sa sulok. Binitawan niya ako kaya naglalakad na ako papunta roon.
“Hey! Marga, is that you?” Napapikit ako nang aking mga mata habang naririnig ang boses ni Sha. Isa siya sa mga kaklase ko at sobrang yabang nito at maarte, pero of course, hindi ako magpa-pakabog sa kanya. mas maganda at sexy kaya ako.
“Yes, of course, hindi mo na ba ako nakikilala?” ngumiti ako sa kanya nang peke dahil naiinis ako sa kanya.
“I thought your not! Tingnan mo naman ‘yang itsura mo? My God!” hindi ko naman mapigilang mahiya dahil sa kanyang sinabi.
“I forget to change my clothes, isa pa kahit naman hindi ako magbihis maganda pa rin ako, eh ikaw? Maganda ka ba?” nawala naman ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sinabi ko sa kanya.
“At least, look at my clothes and bag, mamahalin, habang ikaw?” nagtaas-baba ang tingin niya sa akin kaya hindi ko mapigilang mainis sa kanya.
“At sa tingin mo ba, hindi mamahalin ang suot ko? excuse me, kahit pambahay lang ‘to mahal ‘to may pangalan ‘to,” irap kong wika sa kanya.
“Pero your still a cheap, naghirap na ba kayo?”
“Ano’ng sinabi mo?!” Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinila ko ang kanyang buhok. Ang kapal nang mukha niya para sabihin na naghirap kami.
“Stop it!” Napalingon ako at nakita ang madilim na mukha ni Elias. Binitawan ko naman ang buhok ni Sha na tulalang nakatingin kay Elias.
“She hurt me!” may pa-iyak-iyak pa siyang nalalaman habang lumapit kay Elias.
“Why did you do that?” nagyuko ako at hindi sumagot sa kanya.
“She pull my hair, hindi mo ba nakikita kanina?”
“Guard, palabasin mo ‘to,” ngumisi sa akin si Sha habang nakatingin sa guard na papalapit sa amin.
“Halika na po Ma’am,” namilog naman ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Kuya guard na nakaharap sa kanya.
“Hey! Bakit ako?!” galit niya pang tanong kay Elias kaya lihim akong napangiti.
Buti nga sa ‘yo.
“Why? you think I allow someone to hurt my sister?” Napatingin ako kay Elias dahil sa kanyang sinabi.
Sister? tama ba ang narinig ko? s-sinabi niyang kapatid niya ako?