BILLIONAIRE SERIES #3 TRSB C5
MARGA POV
“Are you deaf? You didn’t heard what I told you?” Napatingin ako kay Elias dahil sa sinabi niya.
“Tsk.. you are ugly and deaf.. why are you not using your money to change your face? You didn’t want to be beautiful?” Nakita ko naman ang pag-igting nang kanyang panga habang hinawakan ang braso ni Sha dahil tanga niyang sampalin si Elias.
“How dare you insult me like that!!” Malakas niyang sigaw habang pilit na winaksi ang kamay ni Elias sa kanyang braso.
“And how dare you to insult my Sister in our place!” Malakas na wika sa kanya ni Elias habang tinulak si Sha. Lihim naman akong natawa dahil sa itsura niya habang napasubsob siya sa sahig.
“Buti nga sa ‘yo!” Masama niya naman akong tiningnan habang umiiyak.
“Pagbabayaran n’yo ang ginawa ninyong ‘to sa akin! lalo kana Marga!!” Na paturo naman ako sa aking sarili dahil sa sinabi niya.
“Bakit ako? wala naman akong ginawa sa ‘yo?” mapang-asar ko namang wika sa kanya.
“Guard! Ilabas mo ang babaeng ‘to! make sure na hindi na ‘to papasok dito!”
“What?! Why are you saying that? Did you own this place?”
“Yes! why?” namilog naman ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Elias sa kanya.
“Ngayon, sasabihin mo pa rin ba na naghihirap na ako? pwee!” Wika ko habang kinaladkad na siya palabas nitong restaurant.
“What happened?” narinig kong tanong sa isa sa mga kaibigan ni Elias sa kanya.
Lihim naman akong na patingin sa kanya habang madilim pa rin ang kanyang mukha.
“Nothing, may nakapasok lang na pulubi,” namilog naman ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Elias. Sinabi niya talagang pulubi si Sha?
“Who’s that woman?” tanong niya sa akin habang nasa kotse na kami.
“K-kaklase ko..” mahina ko namang sagot sa kanya. I really hate when I talk slowly. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? kailangan kong magpakabait sa kanya.
“Why she act like that to you?”
“Tinatanong mo pa! inggit kasi ‘yon sa ‘kin! because I’m pretty than her!” hindi ko mapigilan mapataas ang boses ko dahil sa inis ko kay Sha.
“Really? do you think you are pretty?” Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Bulag ba siya? hindi niya ba nakikita ang aking ganda?
“You didn’t know that I win in our compos? They always pick me us a muse too!” hindi ko talaga mapigilang sumigaw dahil sa inis. Buong buhay ko siya lang ang nagsabing hindi ako maganda.
“Did I ask you about that?” Napakagat ako sa aking labi dahil sa sinabi niya. manhid talaga si Elias, wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman nang taong kaharap niya. pero I know that feeling dahil ganu’n din ako lalo na sa mga maids namin.
Nang makarating kami sa bahay ay nauna akong bumaba at pinagbuksan ko siya ng pinto. I really hate to do this but wala akong magawa. Kailangan ko talagang pag-butihan ang pag-aaral ko para maka-alis ako sa bahay na ‘to! maybe Daddy allow me kapag may trabaho na ako.
“Pwede na ba akong pumasok sa school bukas?” tanong ko sa kanya dahil mahigpit niyang ipinagbawal na lumabas ako. lagi ko ring hiniling na sana umuwi na si Dad, para hindi na ako sasaktan pa ni Elias.
“Why you need to go there?” Napa-angat ako nang aking mukha dahil sa tanong niya sa akin.
“K-kailangan kong makapagtapos, para hindi ako maging pabigat kay Daddy.” Kumunot ang aking noo dahil sa nakaka-insulto niyang ngisi.
“Do you think na ang Daddy mo ang nagpapa-aral sa ‘yo?”
“What do you mean?”
“That’s my Mom money! And that’s my money too! Kaya kung sasabihin ko sa ‘yo na huminto ka sa pag-aaral gagawin mo!” hindi ko mapigilang mapa-iyak dahil sa sinabi niya sa akin.
“Please! Elias! Allow me to go in school! Pangako kapag nakapagtapos ako! babayaran kita sa lahat..”
“Bawad? You think makakabayad pa kayo nang tatay mo sa amin? No! ‘wag kang bobo!” Akmang tatalikod na sana siya pero mabilis ko siyang pinigilan. I kneel him while I cry.
“I’m begging you…” Hikbi kong pagmamaka-awa sa kanya habang hinawakan ko ang kanyang kamay. Alam kong kailangan kong babaan ang aking pride at magpakumbaba sa kanya.
“Fine!” Napa-angat ako nang aking mukha dahil sa narinig ko sa kanya. totoo ba ang sinabi niya? baka naman bukas hindi na niya ako papayagan.
“R-really?” Ani ko habang pinunasan ang aking mga luha sa aking mga mata.
“Gusto mo bang bawiin ko?” Mabilis akong napa-iling sa kanya.
Agad niya naman akong tinalikuran habang nanatili akong nakaluhod.
“Halina po kayo Ma’am..” Napatingin ako kay Manang habang hinawakan niya ako. hindi ko rin mapigilang mahiya sa kanya dahil sa mga pinaggagawa ko sa kanila. walang araw na hindi ko sila pagagalitan. Kunting mali ay nagagalit ako kahit hindi naman dapat.
“M-Manang…” Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya at humagulgol nang iyak.
“P-patawad p-po…. A-alam kong mali ‘yong mga ginawa ko sa inyo…” Iyak kong wika sa kanya.
“Ma’am.. tama na po..” Tinapik ni Manang ang aking likod at pinunasan ang aking pisngi.
“Pasensya na rin po kayo kung hindi ko kayo natutulungan..”
“Ayos lang po ‘yon Manang.. alam ko naman po na magagalit si Elias..”
“Kumain ka na ba Ma’am?” Umiling ako kay Manang dahil hindi naman ako pinakain ni Elias sa restaurant niya. siya at ang mga kaibigan niya lang ang kumain habang nakatayo lang ako sa gilid at nakatingin sa kanila habang kumakain.
“Halika na Ma’am, kumain kana po..” Sumunod ako kay Manang habang hinawakan niya ako sa kamay. Rati hindi talaga ako nagpapahawak sa kanya. si Manang lang din ang nagtatagal dito sa amin dahil sa ugali ko. siya lang talaga ang nakapag-tiis sa ugali ko.
“Sige na, Ma’am, kumain na po kayo habang wala pa si Sir Elias.” Tumango ako kay Manang.
Akmang lalagyan niya sana ng pagkain ang plato ko kaya mabilis ko siyang pinigilan.
“Ako na po Manang, kaya ko na po..” Napansin ko namang natigilan si Manang habang nakatingin siya sa akin.
“Masanay na po kayo Manang, dahil pangako ko po sa ‘yo, magiging independent na po ako..” Wika ko sa kanya habang nagsubo ako ng pagkain. Hindi ko naman mapigilang mapa-iyak muli. Kung nandito siguro si Mommy, siguro hindi ako magkakaganito… siguro may gagabay sa akin nang tama..at siguro walang mananakit sa akin ngayon…katulad nang pananakit sa akin ni Elias. Ang akala ko pa naman magkakaroon ako nang kapatid nang isang Kuya na handing magtatanggol sa akin.. pero hindi! Mali pala ako.
KINAUMAGAHAN ay maaga akong bumangon para maunahan ko si Elias. Hanggang ngayon kasi ay hindi mawala ang aking pangamba na baka magbago ang isip niya.
Agad akong nag-ayos nang aking sarili pati ang aking mga gamit. Napatingin din ako sa aking wallet at napansin na konti nalang ang aking cash. Hindi na kasi gumagana ang aking mga cash card dahil pinaputol ito ni Elias.
“Ma’am Marga, aalis na po ba kayo?” Tanong sa akin ni Manang nang nakasalubong ko siya sa hagdan.
“Opo Manang, pakisabi nalang po kay Elias na kanina pa po ako umalis.”
“Naku, Ma’am Marga, kanina pa po niya kayo hinintay.” Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Manang. Muli rin akong napatingin sa orasan ko na nasa aking bisig dahil hindi ako makapaniwala na gising na si Elias.
“K-kanina pa po ba siya gising?” Tanong ko habang pababa kami ng hagdan.
“Opo Ma’am,”
“Pero bakit po?” Napahinto naman si Manang dahil sa tanong ko sa kanya.
“I mean, bakit siya gumising nang maaga?”
“Ang alam ko po Ma’am, papasok po siya sa trabaho.”
“Papasok? Nang ganitong oras?”
“Bakit hindi ba pwede?” natigilan ako habang nakita ko siya na nasa baba. Akala ko pa naman nasa dining table siya, pero bakit narito na siya sa baba.
Matapos naming kumain ay pinasakay na ako ni Elias sa kanyang kotse. Ang sabi niya I drop nalang daw niya ako sa campos.
“Here’s your new card.” Nilingon ko siya habang inabot niya sa akin ang isang black card.
“A-akin ‘yan?” utal ko namang tanong sa kanya dahil alam kong malaking pera ang laman ng black card. At sobrang yaman lang ang mayroon nito.
“Ayaw mo?”
“No!” Agad ko itong kinuha sa kanyang kamay dahil baka magbago pa ang isip niya.
“T-thank you..” Ani ko habang nilagay ko ito sa aking wallet.
“Don’t try to escape me.” Muli akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. sa totoo lang wala na akong balak ngayon na lumayas dahil kailangan kong makapagtapos at higit sa lahat baka ano pa ang gagawin niya kay Daddy.
“Bakit ko naman gagawin ‘yon?” bigla naman siyang ngumisi sa akin kaya napalunok ako.
“Don’t make me fool Marga. Hindi ako magiging CEO kung bobo ako!” Pinipigilan ko namang umiyak habang sinasampal niya ako.
NANG makarating kami sa campos ay agad na akong bumaba.
“Just wait me here. Susunduin kita kapag uwian na. one more thing. Bawal kang lumabas dito hangga’t wala pa ako. maliwanag?” Agad naman akong tumango sa kanya.
“P-papasok na ako..” Paalam ko naman sa kanya habang itinaas na niya ang bintana ng kotse.