BILLIONAIRE SERIES #3 C7 MARGA POV “Hindi ko lang po kasi inakala na may mabuti po kayong puso..” napalunok ako dahil sa kanyang sinabi. Ngayon ko lang din naalala na isa siya sa mga nasigawan ko noon. Napaka-walang hiya ko kasi noon at mainitin ang ulo. “P-pasensya na po kayo, kung ano man po ang ginawa ko sa inyo noon..” mahina at nakayuko kong wika sa kanya. “A-ayos lang po ‘yon Ma’am, kasalanan ko naman po..” “Naku! Wala naman po kayong kasalanan, alam n’yo po ba na dapat kaming magpasalamat sa inyo, dahil kung wala kayo hindi magiging malinis itong school namin,” ngiting wika ko sa kanya. “Pasensya na po kayo, kung hinusgahan ko rin kayo noon Ma’am..” Ngumiti ako sa kanya habang hinawakan ang kanyang balikat. “Ayos lang po ‘yon, halika na po pumili na kayo ng pagkain.” Yaya ko

