BILLIONAIRE SERIES #3 C8 MARGA POV “A-anong ibig n’yo pong sabihin? B-bakit po hindi na kayo uuwi? P-paano na po ang negosyo n’yo Da-.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang pinatay ni Tita ang tawag. “N-nasa’n na?” iyak kong tanong. “Tanga ka ba? wala na? ‘di mo ba nakita?” Muli kong pinunasan ang aking pisngi habang lumayo sa kanya. “Where are you going?” Napaturo ako sa sofa dahil gusto kong umupo. “Just stay here.” Huminto ako habang huminga nang malalim at bumalik sa kanya. “P-paano na ako ngayon?” hindi ko mapigilan ang sarili ko na itanong ito sa kanya, dahil pakiramdam ko inabanduna na ako ni Daddy. “What do you mean?” “W-wala na akong ibang pamilya. P-paano kung tuluyan mo na akong palayasin sa bahay mo? Hindi ko alam kong saan ako pupunta! Wala akong ibang

