Chapter 1 : JUBEL
Louise (POV)
" hey Santi! where are you na? Lian and I already here in the parking lot " bungad ko sa kaibigan pagkasagot nito ng kanyang telepono. Kasalukuyan kaming nasa The Trellis Makati ngayon at iniintay ang mga kumag kong kaibigan.
" your too atat my dear!... mauna na kayo sa loob, I have my reservations at 7 pm so i guess pwede na kayong pumasok. Na stuck lang kami sa traffic dito sa EDSA" maarteng paliwanag nito.
" nampucha! make it fast bakla ... sayang ang gabi!" pang -aasar ko na sinabayan pa ng pagtawa.
Si Lian na nasa tabi ko ay napangiti while fixing her things.
"aba at ang bruha nato'!.. what do you want me to do? lumipad?!" protesta ng kausap sa kabilang linya.
I'm imagining him na pinanlalakihan ako ng mata habang nakapamaywang .
I shook my head
baklang bakla talaga ito.
Santi is my friend since college days, isang closet gay.
Lalaking -lalaki pa sya ng mga panahon na iyon at hindi maipagkakaila kung gaano kadaming babae ang nahumaling sa kanya. Hindi ko naman sila masisisi dahil kakaiba talaga ang taglay na kagwapuhan ng aking kaibigan pero nakakapanghinayang lamang dahil eversince ay pusong babae ang mayroon dito.
His life is colorful as the rainbow at maraming ups and down. Hindi rin biro ang kanyang pinagdaanan because he was from a Chinese Prominent family.
Natatandaan ko pa kung ilang sipa at suntok ang natanggap nito mula sa striktong tatay niya para lamang patinuin ang isang kagaya niya.
In fairness to him nagpumilit naman siyang maging tunay na lalaki para sa family niya. If i'm not mistaken, he even tried to court Lian na naging kaibigan din namin, pero ang ending ay wala ring kinahinatnan. His family even done the traditional arranged marriage for him na hinayaan lamang niya. He prepared himself to become miserable kasabay ng pagkawala ng pag-asang siya'y muling liligaya. Halos ikulong na siya ng kanyang Ama sa kanilang Mansion, restrained him from getting along with us. Until he met Henry his brothers best friend, a businessman from Germany.Hindi niya napigilan ang mahulog ang kalooban dito at nabuhayan ng loob when Henry confess to him that he felt the same way too. Apparently they shared the same s****l preference na nakapag-bigay ng lakas ng loob kay Santi. Nagkaroon sila ng secret affair until itakas siya ni Henry sa kanyang pamilya at dinala sa Germany.
After a year of being together ay natanggap din sila ng kanyang pamilya. Huli na nga lang siguro dahil iyon ay ang panahong nagkasakit ang kanyang ama.
And the rest they say is history.
Actually, welcome back party ang i-cecelebrate namin tonight. Kakadating lang kasi niya from Germany the other day.
"ano, hindi na ba natin sila hihintayin? " tanong ni Lian while removing her seat belt.
"mauna na raw tayo at nasa edsa pa sila..... tara!" pagyaya ko kay Lian, after i get my car key and removed my seat belt.
Sumunod naman sya at kaagad na tumungo sa bungad ng club.
Pagpasok pa lang namin ay ini-assist na kami ng waiter sa designated table namin at kaagad na umorder ng light drinks habang hinihintay sila Santi.
Buti na lang at kumain muna kami sa bahay nila Lian bago umalis because if not ay pihadong sisikmurain kami dahil sa alak.
Pansamantala akong tumingin sa paligid and sigh.
This is life, hindi yata ako magsasawa sa ganitong environment. For past few months ay wala na akong ginawa kung hindi ang mag clubbing at bar hopping. but why not kung nagbabawi lang naman ako.
Jusmio! nuong panahon naman na nag-aaral ako, super stress ako.
I cannot deny na nasabik ako sa night life kaya pagka graduate at makapasa sa board exam ay kaliwa't kanang party na ang pinuntahan ko. Ano lang ba naman ang magligalig ng ilang buwan para makabawi-bawi hindi ba. Besides ilang araw na lamang ay magsisimula na akong mgtrabaho.
"ang lalim ng iniisip mo girl" pagpuna ni Lian pagkalagok sa iniinom niya.
Bumuntong hininga muna ko bago ako sumagot " paano ba naman back to reality na next week, mag-start na ako sa work at siguradong iyong ganitong event ay bihira ko ng magagawa"
"sus! anu ka ba naman, ganuon talga .. hindi naman habang panahon kang ganito noh. Buti ka nga at may napasukan kaagad. Ako simula nung maka-grad tayo, nag start na ako maghanap ng work pero hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag" may bahagyang hinanakit sa tono nito.
I tap her shoulder "magtiyaga ka lang at siguradong makakahanap ka din ng work" then smile at her.
"sana nga" she sighed then abruptly face me."eh teka, saang company ka ba nakapasok? "
"sa GaSCo, QC-Assistant"
Halos maibuga ni Lian ang ini-inom niya.
Tila bata itong lumapit sa akin at inugoy ugoy ang aking mga kamay.
"whoa!!! Really? sa GaSCo? Ang galing mo naman girl, isa yan sa emerging company ngayon hindi ba?. Ang alam ko bago pa lang sila pero puro positive feedback na ang natatanggap. Kainggit ka naman" sunod-sunod na komento nito.
"I know right?" maarteng turan ko sa may pagmamalaking tinig kasabay ng nakakalokong ngiti.
She just pouted like a kid bago sinabing " pag' nag-start ka na magwork, mag boyfriend ka ng Engineer tapos i-recommend mo ko "
"sira! ang abnormal mo...kung ano-anong iniisip mo diyan, iisa pa lang ang iniinom natin ay mukhang nalasing ka " pabiro kong sabi sa kanya.
Everyone keep on telling me that i'm luckysa tuwing malalaman nila na duon ako magta-trabaho. True to what Lian said, malaking company talaga ang GaSCo, They are one of the the leading Construction Company sa bansa na mostly ang target ay mga landed houses and mid-rise condominiums.
Ang swerte ko nga lang talaga dahil isa ako sa mga natanggap.
"and the are here" pag-anunsyo ng aking katabi.
I followed her gaze on the main entrance at duon ko nakita ang aming hinihintay.
"oh tabi-tabi kayo jan!... dadaan ang reyna! Pakendeng-kendeng pa!" sigaw nito habang iniisa isang hawiin ang binti namin at sumiksik sa dulong upuan.
Si Akie na nakasunod sa kanya ay tatawa lang at halatang nasa party mood na.
Pagka-upong pagkaupo pa lang nila. Tinawag na ni Santi ang waiter at umorder ng sangkaterbang pagkain at alak.
"which is which bakla ?
a. bibitayin tayo ?
b. hindi ka pinapakain ni Henry ng maayos?
c.Papatabain mo kaming tatlo dahil naiinsecure ka sa katawan namin?
O
d.All of the above? " natatawang komento ni Akie
"pwedeng D na lang!" malanding sabi nito habang pumipikit pikit pa na ikanahagalpak naming tatlo.
"maryosep! napakadami naman kasi niyan" natatawa kong reklamo.
" ang aarte naman! uminom na nga lang tayo! Ang dami pang sinasabi ih! " si Santi. Isa isa nyang dinampot ang mga basong may lamang alak at iniabot sa amin.
" cheers!! " sabay sabay na sigaw namin sabay bottoms up.
********
Gabby's (POV)
" ano pong drinks " tanong sa akin ni Drei- ang bartender.
" the usual please" seryosong sagot ko
Ngumiti muna ito at tumango bago tumalikod. Alam na niya kung ano ang oorderin ko.
For past 6 months halos dito ang naging tambayan ko. Kung hindi man araw-araw, atleast 4 times a week ay pumupunta ako dito para mawala panandalian ang bumabagabag sa puso at para maibsan ang kahungkagang aking nararamdaman.
Its been 6 f*****g months! Hayan ka pa rin at mukhang gago! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Komento ng isang maliit na parte ng utak ko na kalimitang sinasagot ng kabilang panig ng "I don't have a f*****g idea!".
T*ang-ina! Kahit sarili ko ay hindi na alam kung ano pang dapat kong gawin.
For 6 months, I've been trying to live out of my miserable life at para na lang akong isang zombie na gumagalaw at sumusunod sa agos ng buhay pero nilisan na ako ng literal na salitang "buhay".
" your drinks ma'am" pukaw sa akin ni Drei.
"salamat" sabay abot ko sa basong inilapag nya. Sinimulang simsimin ang laman at pagkatapos ay ininom hanggang sa mapa-ngalahati. Bahagyag gumuhit ang pait sa lalamunan pero hindi ko yun ininda. Inikot-ikot ko ang baso habang matamang nag-isip.
I don't know where to start.
Hindi ko alam kung paano akong magsisimula muli o papaanong ibabalik sa normal ang takbo ng aking buhay.
Hindi ko alam kung paano na ako ngayong wala na siya.
Siya - ang kaisa-isang tao na inalayan ko ng buong puso at buong pagkatao.
Siya na pinagkatiwalaan ko ng lubos at
Siya - na sumira ng buhay at ng mga pangarap ko.
Nang mga pangarap naming dalawa.
Papaano nya ito nagawa sa akin? Paano NILA nagawa ito sa akin?
Paano?!
...untag ng nagpupuyos kong kalooban.
I was in my deep thought when Drei the bartender slide a bundle of tissue in front of me. I look at him and saw pity in his eyes bago sya tumalikod para asikasuhin ang ibang customer. Hindi ko namalayang umiiyak na ako kasabay ng isang pamilyar na sakit sa aking dibdib, ang sugat na hindi pa rin gumagaling magpa-hanggang sa ngayon ay patuloy lang sa pagdurugo sa tuwing sumasagi ang panlolokong ginawa nila sa akin.
Kumuha ako ng tissue at ipinunas sa nanlalabo mga mata.
Fuck! I hate crying! I hate this feeling! And I hate them!
For God sake Gabby! Maawa ka naman sa sarili mo.Give yourself a break! react na naman ng utak ko.Pero sa tuwina ay puro ganuon lang, naghuhumiyaw silang lubayan ko na at ayusin ang sarili, pero lagi na lamang natatagpuan ang sariling lulong at lunod pa rin sa sakit na pinaranas ng malupit na nakaraan.
Its not fair. Everything is unfair!
And s**t!!
Hindi pwedeng ako lang ang nahihirapan! Nagrerebelde ang kalooban ko, kung mahuhulog ako sa kumunoy ng kamiserablihan, I'll make sure na pati sila idadamay ko.
Maghihiganti ako and I will make their life a living hell.
********
Louise (POV)
Ilang oras pa ang lumipas bago napuno ang club. As for us, medyo may tama na rin kami ng alak dahil sa sangdamak-mak na inorder ni Santi at dahil medyo nagsisimula ng malasing, kung saan saan na rin humantong ang usapan naming magbabarkada. Kagaya ngayon na ang topic na binuksan ni Santi ay tungkol sa s*x. Siraulo talaga itong baklang ito buhat ng maka-live-in si Henry sa Germany naging garapal na ang bibig. Ngayon naman pinagti-tripan nya si Lian.
" alam mo friendship, if I were you, mamimingwit na ako jan ng magiging Papa.. Look around you ang daming gwapo" halos paimpit na sabi nito sa aktong kinikilig habang iniikot ng tingin ang paligid.
"pwede ba Santi, lubayan mo nga ako, masaya ako sa buhay ko noh. Ayoko pa ng sakit ng ulo" mataray na sabi ni Lian
"naku girl, your not getting any younger na. ni isang boyfriend hindi ka pa nagkakaron... sayang ang luto ng diyos kung hindi mo matitikman!" pagpapatuloy na pang-aasar nito.
"your such a p*****t!" komento ko sa kanya na tatawa tawa. Na sinang-ayunan naman nila Akie
"wag ka ngang kumontra diyan! if I know, magkaparehas lang tayo ng likaw ng bituka!" sagot nya sa akin. Pinanlakihan ako ng mga mata at tumawa ng nakakaloko.
" hoy!.. mahiya ka nga! wag mo akong igaya sayo na halos--" hindi ko naituloy yung sasabihin dahil dire-diretso ng itong nagtungayaw. Sa lakas ng boses nya na-overpower ang boses ko.
Taratitat talaga tong baklang to' isip-isip ko. Hindi na ako makapag-protesta dahil halos gumulong na ako sa kakatawa dahil sa itsura nya. Eversince talaga ayaw nyang tinatawag syang p*****t! Kaya hayun ayaw lumubay ng kadadakdak.
Nagtry si Akie na takpan ang bibig nito ,but he just bite her at pagkatapos nagtungayaw na naman. Tatawa-tawa na lang kaming magkaibigan habang hinahayaan syang mag-ingay. Pero maya-maya when the dj start to play a familiar song bigla syang natahimik.
Sandali kaming napatigil at nagkatitigan ng marinig namin ang instrumental na intro nito ...
"Jubel!!!" halos sabay sabay na hiyaw namin.
It was our favorite song. That our Jam na everytime na gumigimik kami during college days at kapag pinapatugtog ito ay automatic kaming sumasayaw.
Santi was the first to stood up at nag-yaya sa Dance Floor.
Nagsunuran kaming tatlo habang unti-unting umiindak sa saliw ng musika. Pumuwesto kami sa gitna habang paikot na nag-sasayaw. Dala ng medyo lango na sa alak ay naging magaslaw ang aming naging pagkilos kasabay ng panaka-nakang paghiyaw-hiyaw habang ini-enjoy ang sandali. Hindi nagtagal ay may mga lalaki ng nakihalubilo sa amin , nakisayaw at sumunod sa malalanding galaw namin.
Then there is this one man na dumikit sa akin at sinabayan akong sumayaw, mapusok ang galaw nya na waring nang-aakit.
The hell I care. Sanay ako sa ganitong scenario. Kayang-kaya kong sabayan ang pagiging agresibo niya. after all i'm the flirtatious princess itself. The guy is obviously enjoying on flirting with me while dancing, halos ikiskis na nito ang buo nyang katawan na sinasabayan ko naman ng malanding pag galaw. I can sense na dalang dala na sya sa ginagawa naming dalawa.
His about to grab my waist when Santi came from nowhere and drag me out of the dance floor.
Tatawa-tawa kaming tumungo pabalik sa table na halos ikaladkad ko dahil sa paghatak niya.
"just like the old days! " tatawa-tawang sabi ko sabay upo.
" did you see his face? He was shocked.. nanduon na eh.. onti na lang.. nabitin pa..hahaha! " namumulang sabi ni Santi.
" wala ka paring kupas girl, your still the same b***h I knew back in our days! Ang landi mo!" dugtong nya.
"what's happening here?" nagtatakang tanong ng bagong dating na si Akie
"hahaha!... don't tell me may pinagtripan na naman kayong dalawa?" sabat ni Lian na pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Santi.
We did not confirm anything and just smirked at them.
"just like the old days" Santi sighed and smiled at them. After a while, tumawag sya ng waiter at umorder ulit.
"hey! baka naman gumapang na tayo nyan pauwi" reklamo ni Lian
"hindi yan,ano ka ba, the night is still young , mag-enjoy ka nga lang jan! " salag ni Santi habang nagsisindi ng sigarilyo.
Sumisimsim kami ng alak ni Akie ng magsalita na naman siya matapos ang ilang hitit at buga.
" why don't we play a game?! " excited na tanong nito, parang bata na ang luwang ng pagkakangiti.
"ano na naman yan bakla? " naiiling kong komento bago inumin ang alak na hawak ko
"I dare you! " sagot naman nya
"anu ka ba, ako na naman? Kanina pa yang dare game na yan eh..nakakasawa na ..walang thrill" mayabang na sagot ko
"no.. no.. this time pahihirapan kita...something na hindi mo pa nagagawa. " ngingiti-ngiting sagot nito.
"bring it on girl, kahit ano pa yan hindi ko aatrasan" mayabang na sagot ko.
" okay... let me think .. " tila nag-iisip na sabi nya nangalumbaba and putting her index finger on her cheeks. Napansin kong iniikot nya ng tingin ang club at si hindi kalayuan huminto ang tingin nya sa bar area.
"may naisip na ko!" excited na sabi smirking at me.
Amuse akong napatingin sa kanya. Ano na naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa isip nito.
Whatever!
Kahit ano pa yan, sure naman akong kaya ng powers ko yan.
"nakikita mo yung girl na nakaupo duon sa bar area? sa bandang dulo, iyong mahaba ang buhok" turo niya sa akin.
Kunot-noo akong tumingin sa direksyon na tinuturo niya.
"yes? What about her? " sagot ko sa kanya bago muli uminom ng alak.
"I dare you to seduce and kiss her " ang walang kagatol-gatol na sabi nya,
Halos maibuga ko ang ininom kong alak ng marinig ang dare nya. Magkapanabay pa kami nila Akie na napalingon ng marahas sa kaibigan naming nuon ay nakasandal ng prente habang nakahalukipkip.
He smile at me at tinitigan na animo naghahamon.
"you've got to be kidding me" sabi ko ng makabawi sa pagkabigla. Sabay pagbaling duon sa babaeng kanyang tinutukoy.
Nakatalikod ito kaya hindi ko mabistahan ang itsura.
Nampucha! seryoso?
"no..i'm not kidding my dear " ngingisi-ngisi pukaw ni Santi. I turn to him and saw his one eyebrow raising while sipping his drinks.
I pause for a while.
talaga ba?
" what now? ayaw mo? hindi mo kaya?" naghahamon na tanong nito.
Tumingin ako kila Lian na ngingiti-ngiti na din at binabato ako ng nag-hahamong tingin.
They knew me since college. Lahat ng i-dare sa akin ay ginagawa ko. To name a few that includes, ang pagtakbo sa quadrangle ng naka-bra at panty lang with plastic on my head, I sabotage one of the party event by giving prank call to the police and sinabing may bombang nakatanim sa back stage, I even seduced my Math teacher who is way older than me at marami pang iba.
But this?
Oh My!
It's your forte Louise. I-seseduce mo lang naman. and the kiss? Its just a kiss. Sus! andami mo ng nahalikan noh. Where is the old Louise na wala ng ginawa kundi pumatol sa mga ganitong hamon?
"ehern! ano? ayaw na? " tila nanunuksong sabi ni Santi na nakangiti ng nakakaloko.
"o-of course n-not! " nag-ii-stammer kong sagot bago pa mag-react ang isang parte ng utak ko.
"kaya ko yan.. sus!. seduce lang pala tsaka kiss... chicken lang yan" sa hindi kumbinsidong tono na nahalata yata nila Akie kaya lalo akong nginitian ng nang-aasar.
"that's my girl!.. so ano pang inaantay mo?? Go na!" pagtataboy nito sa akin.
Bago ako tumayo ay ini-straight ko muna ang isang basong alak.
Binuo ang composure sa sarili at bumuntong hininga.
Let the game begin bulong ko
Atsaka dire-diretsong tumungo sa bar area.