bc

Ang Boyfriend kong Mermaid

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
tragedy
sweet
mystery
like
intro-logo
Blurb

Magmula nang makilala ni Sam ang isang misteryosong lalaking natagpuan niya sa dalampasigan ay nagkaroon na ito ng puwang sa kanyang puso. Hindi niya man lubos na kilala ang estranghero ay parang iba na agad ang kanyang nararamdaman para dito.....

At habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay unti-unti nyang nakilala si Clark at ang hiwagang nababalot sa pagkatao nito....

chap-preview
Free preview
Prologue
Author's note: Una sa lahat ay binabati ko kayo ng maliligayang pagbabasa sa bawat pahina ng kwentong ito.... first time kong magsulat ng ganitong kwento. Sana po ay magustuhan ninyo... Ang mga tauhan at pangyayari sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hango sa totoong buhay. Anumang pagkakatulad nito sa ibang kwento na inyong nababasa ay hindi sinasadya ng may-akda.... Ito po ay boy2boy fantasy....kung hindi mo gusto ang ganitong kwento ay malaya kang lisanin ang pahinang ito. Maraming Salamat po!!! Isang malakas na pagsabog ang narinig ko sa di-kalayuan... agad akong napatigil sa aking kinatatayuan.... batid kong may malaking panganib na nag-aabang sa aming paglalakbay.... "Mahal na Prinsipe, kailangan po nating tumigil sa ating paglalakbay, mukhang nasundan tayo ng mga kalaban,"nag-aalalang wika ni Tutie, isang uri ng pagong na may kalahating tao.siya ang malapit kong kaibigan... "Oo nga, mahal na Prinsipe, tama si Tutie, kailangan nating mag-iba ng direksyon...malakas ang kutob kong nasundan tayo at malapit na sila sa ating kinaroroonan"sang-ayon naman ni Ybhra, ang pinunong kawal ng aming kaharian, kanang kamay ito ng aking ina. naglalakbay kami ng mga oras na iyon... si Ybhra ay kapwa ko sireno... napadpad kami sa malayong ibayo upang puntahan ang lunas ng aking ina. "Pero ito lang ang daang malapit sa ating pupuntahan, kailangan ng Reyna ang lunas sa kanyang lumalalang sakit at kung mag-iiba tayo ng direksyong tatahakin at tiyak na hahaba pa ang ating lalakbayin"wika ko sa dalawang kasama... at walang-walang ano-anu ay inilabas ko ang aking sandata na nakasukbit sa aking beywang... "Malapit na tayo sa ating paroroonan kaya kailangan nating maghanda kung sakaling lumusob sa ating harapan ang mga kalaban" Agad namang sumang-ayon ang dalawa at agad din nilang inilabas ang sandatang kanilang dala att wari ba'y humanda sa anumang digmaang magaganap sa kanila.... Pagkaraan ng ilang minuto nilang paglalakbay ay walang ano-anu'y tumambad sa kanilang harapan ang isang tila higanteng nilalang na parang isang dragon na may mahabang pangil sa bibig at mahabang buntot na tila ba'y tuwang -tuwa sa panauhing nakahain sa kanyang harapan. Agad akong sumigaw nang ubod-lakas "Magsipaghanda tayo, hindi biro ang nilalang na ito. Kaya't kailangan natin ng ibayong pag-iingat!" Agad kong iwinasiwas ang aking dalang sandata at ganun din ang dalawa...nang makalapit ang higanteng nilalang ay agad kaming naghiwa-hiwalay. Ako ang nasa harapan. Si tutie ay nasa gawing tagiliran at si ybhra naman ay nasa likuran ng kalaban na may mahabang buntot... Mistulang suspended animation ang lahat... bawat atake naming tatlo ay tila ba'y lalong naging mabangis ang higanteng nilalang.wala kaming nagawa kundi pigilan at sanggain ang bawat galaw nito.... "Aaaaahhhh...!!!! Gigil na sigaw ko habang tumatama sa kanyang mukha ang aking hawak na sandata sabay kawag ng aking buntot...agad naman itong tinamaan pero agad itong nagalit na parang mabangis na hayop at agad akong sinunggaban....napaatras akong bigla upang makaiwas sa kanyang pag-atake habang si Ybhra naman ay hawak ang mahaba nitong buntot upang pigilan ang bawat galaw nito. Samantalang si Tutie ay nagawa nitong puluputin ang hawak nitong latigo.... Pero hindi nagpatalo ang kalaban.. lalo itong nagwawala sa kanyang kinatatayuan... wala ano-anu pa'y nagawa nitong kontrolin ang bawat atake namin. At nagpakawala ng malalakas na pwersa na naging sanhi ng aming pagtilapon sa kung saan-saan. Bawat galaw at paghampas nito ay parang delubyo sa pagkawasak ng bawat bagay na natatamaan nito... Agad akong nanghina sa lakas ng aking pagbagsak...ramdam ko ang kirot ng aking katawan pero nagawa ko paring bumangon.. agad kong hinagilap ang aking mga kasama. Katulad ko ay malakas din ang kanilang pagbagsak... maya-maya pa'y nakita ko si Ybhra na paika-ikang lumapit sa akin... may galos ito sa gawing tagiliran... "mahal na Prinsipe, mukhang hindi natin kakayanin ang higanteng nilalang na yun, masyado siyang malakas kumpara sa atin"... nanghihinang wika nito. "Hindi tayo susuko, malapit na tayo sa kweba at kailangan natin makuha ang lunas ni Ina, ang mabuti pa'y puntahan mo si Tutie, kayong dalawa ang tumungo sa kweba... ako na ang bahalang humarap sa nilalang na iyon." "Pero mahal na Prinsipe, hindi ko pwedeng iwanan kayo... nangako ako sa Reyna na hinding-hindi ko kayong pwedeng iiwan dito:...tutol ni Ybhra "Tama si Ybhra, mahal na Prinsipe".si tutie habang papalapit sa aming dalawa... "Hindi namin kayo iiwan, handang kong ibuwis ang aking buhay upang maprotektahan kayo" Agad akong ngumiti sa kanilang dalawa at tinapik ang kanilang balikat. " salamat sa inyong dalawa, kung gayun, tapusin na natin ang laban na ito... alam kong kakayanin natin ang nilalang na iyon. Tiwala sa ating sariling kakayahan at lakas ng loob ang ating malakas na sandata upang magapi natin ang kalaban". Agad na tumango ang dalawa at agad ko silang niyakap at maya maya pa'y agad namang tinungo ang kinaroroonan ng kalaban. Wala kaming sinayang na sandali. Gamit ang aming natitirang lakas at pwersa ay buong lakas namang iwinasiwas ang aming sandatang hawak at sumugod dito... Ilang sandali pa'y naging mistulang malaking digmaan ang naganap sa aming paglaban... bawat atake ay katumbas ng libo-libung pwersa na lumukob sa aming sagupaan. Hindi nagpatalo ang kalaban, sa laki nito ay nahirapan kaming gapiin ito... pero dahil na rin sa aming pagnanais na iligtas ang bawat isa ay naging maingat kami sa bawat pag-atake. "Aaaaarrgghhhhh!!! Sigaw ko habang hinahampas ng aking sandata ang mukha nito.... agad naman itong umungol nang tumama ang aking sandata sa kanyang kaliwang pisngi... isa pang pwersa ang aking pinakawalan at tuluyan na itong nagapi ng aking sandata. Samantalang si Ybhra naman ay tinusok nito ang matalim na espada sa buntot nito na napapuluputan ng latigong hawak ni Tutie.... mistula na itong lantang gulay sa kanyang pagbagsak... unti-unti itong nanghina habang patuloy na kumakawala mula sa pagkakagapos... Maya maya pa'y ubod lakas itong kumakawag habang pilit na bumabangon sa kanyang kinatatayuan.... nagulat na lamang kami ng bigla itong kumawala at dali-daling tumakas.parang bula itong naglaho sa aming harapan. Nanghihinang napasandal ako sa may malaking halamang ligaw na na sa aking likuran. Latang-lata din sa pagod ang dalawa kong kasama. (Author's Note: naguguluhan ba kayo sa kwento. Haha! Basahin nyo nalang hanggang sa matapos. Salamat:)) Pagkatapos ng aming sagupaan. Agad kaming namahinga upang makabawi sa aming nawalang lakas. "Mukhang malapit na tayo sa ating paroroonan, mahal na Prinsipe". Nakangiting wika ni Ybhra. ... "Kung ganun, tayo nang tumungo sa kweba, kailangan nating magmadali bago pa tayo abutan ng masamang panahon" Pagkaraan ng ilang sandali, nagsimula na kaming maglakbay patungo sa aming pakay... At maya-maya pa'y tanaw na namin ang kweba. Napapaligiran ito ng mga halamang nabubuhay sa paligid nito.. may mga iba't ibang uri ng isda at kabibe ang nakapalibot...Sa loob ng kweba ay mayroon mga kumikinang na perlas at mga uri ng halaman na siya naming pakay kaya kami napatungo dito. Nang malapit na kami sa bungad ng kweba ay biglang bumagsak sa aking harapan si Ybhra... sapo nito ang dibdib na parang tinamaan ng kung anong bagay... agad ko itong nilapitan.. "Anong nangyari? Gulat na tanong ko... bago pa ito makapagsalita ay isang pamilyar na tinig ang narinig ko na nagmumula sa aking likuran.. "Kumusta ang paglalakbay ng aking mahal na Prinsipe".wika ng tinig na agad kong nilingon mula sa aking likuran. "Ragona! anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong ko... Agad itong ngumisi ng parang demonyo... "Matagal ko na kayong sinusundan, sa akala mo makukuha mo ang lunas ng iyong ina, nagkakamali ka! Dahil bago ninyo ito makuha ay dadaan muna kayo sa aking mga kamay. At sisiguraduhin kong magiging malamig na bangkay na lamang kayo dito... hahahahahaha! Malakas na halakhak nito. "Anong ibig sabihin nito Ragona?, mula sa aking likuran nagsalita si Tutie. Isa kang lapastangan sa harap ng mahal na Prinsipe!". "Tumahimik kang pagong ka, baka nakakalimutan mong kapatid parin ako ng Reyna at may karapatan ako sa bawat nanaisin ko" galit nitong wika. "Ano ba ang gusto mo Ragona? pinatawad ka na ng aking ina noon dahil mahal ka niya bilang kapatid. Akala ko nagbalik-loob ka na pagkatapos mo noong guluhin ang kaharian at pagtaksilan ang aking ina... anong klase kang kapatid? Sumbat kong wika dito... Kapatid?! Hahahaha! Gusto mo bang malaman ang lahat?... puwes makinig ka!!!! Pagkawika nito'y agad itong nag-ikot-ikot na parang baliw sa aking harapan.. "Ako ang dahilan kung bakit nagkakasakit ang iyong ina. unti-unti ko siyang nilalason hanggang sa siya'y manghina at tuluyang mamatay. Nang sa ganun, mapapasa akin ang trono bilang bagong Reyna. At sisiguraduhin kong mapasakamay ko iyon at makuha ang lahat ng bagay na mayroon siya." "Isa kang taksil Ragona! Galit kong sigaw dito... "papatayin kita pag may nangyaring masama sa aking ina. Agad kong sinugod ito at nang akma kong iwasiwas ang aking hawak na sandata dito ay nagulat ako ng bigla itong may itinaas na isang bagay... ang tungkod (scepter) ng aking ina. makapangyarihan ang tungkod na ito na napapalamutihan ng mga kumikinang na perlas at bato... "Paano napunta sayo yan? Gulat kong tanong. Alam kong di ko kakayanin ang kapangyarihang taglay nito...at nakakapagtakang paano ito napunta sa kanya... Agad itong ngumisi nang parang demonyo.... "Hindi mo na kailangan pang malaman kung bakit ito napunta sa akin, alam ko sa darating na panahon ay sa iyo ipapamana ng aking kapatid ang tronong pinapangarap ko. At hindi pwedeng mangyari iyon! Kaya ngayon palang papatayin na kita at para mawala ang isang hadlang sa mga pinapangarap ko". At bigla nitong tinaas ang hawak na tungkod at agad na lumabas ang isang malakas na pwersa patungo sa aking kinaroroonan... pero bago pa ako tamaan ng kapangyarihan nito ay biglang humarang si Tutie sa aking harapan at sa isang iglap nasalo nito ang isang malakas na pwersa na nagiging dahilan ng pagtilapon nito sa kung saang parte na hindi maabot ng aking paningin... "Tutie! Malakas kong sigaw pero naglaho na ito na parang bula.... sari-saring emosyon ang lumukob sa aking pagkatao ng mga oras na iyon.... hindi ko akalain na sa isang iglap magaganap ang isang pangyayari na hindi ko inaasahan. "Hayop ka Ragona!, wala kang pusong nilalang. Dapat sayo ay mamatay! Sigaw kong sugod dito.. at bago pa ako makalapit sa kanyang kinaroroonan ay nahagip ako ng isang malakas na pwersang na nagpataboy sa akin sa kung saan... para itong ipo-ipo na tumama sa aking katawan at biglang nagliwanag ang aking dibdib na para akong hinigop nito at dinala sa karimlan.... biglang dumilim ang buong paligid at nanghihina akong bumagsak... Unti-unting pumikit ang aking mga mata at nawalan ako ng ulirat. Magmula sa kung saan ay dinala ako ng aking katauhan sa isang dako pa roon nang hindi ko namamalayan...at wala na akong natatandaan pa.... Itutuloy

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Begging For The Rejected Luna's Attention

read
4.6K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
205.3K
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
72.0K
bc

Getting Back My Secret Luna

read
5.7K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

A Warrior's Second Chance

read
355.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook