Kimberly Ann Martinez. "What the heck are you doing here?!" Sigaw ni Mara ng makapasok ako. "I'm assigned to clean your room, ma'am," kalmadong wika ko kahit na parang sasabog na din ang ulo ko sa inis. "So, this is how rug the illegitimate children of my father is," nag-uuyam na wika niya sa akin. "Mara," warning ni Jonathan sa kanya. "What?!" pasigaw na asik din niya kay Jonathan. "Kung hindi naging kabit ang nanay niya sa daddy ko. Wala sana siya ngayon. But who knows, baka nga lumalapit siya sayo dahil alam niyang ikaw ang fiance ko at nais ka niyang agawin. Palibhasa, mana sa nanay." Hindi ko na lang pinapansin ang sinasabi kahit na masakit sa damdamin ko. Sinimulan ko ng linisin ang mga kalat nila sa silid. Ngunit mukhang pa hindi kontento si Mara at hinila ako paharap

