Kimberly Ann Martinez Nagmumukmok lang ako sa kwarto kinabukasan. Wala akong ganang bumangon bagay na ipinagtataka ng mga kapatid ko. "Hindi ka papasok te?" tanong ni Karylle sa akin. “Hindi,” tinging sagot ko na lang sa kanya. Ayaw ko mag-elaborate pa. Baka makakahata na may problema ako. “Sige, alis na kami. Kapag nagutom ka may pagkain na sa mesa,” bilin ni Karylle sa akin. Tumango lang ako at nagtalukbong ng kumot. Nakakatamad pala kapag alam mong wala kang gawin kaya naman ay naisipan kong bumangon at maligo para kahit paano ay mabawasan naman ang kabigatan ng katawan. Ang tahimik ng bahay dahil mag-isa lang ako dito. Nang matapos maligo ay nagbihis ako ng pambahay na damit. Pumunta ako sa kusina para sana kakain ngunit ayaw ko naman sa mga pagkaing narito. Masarap naman an

