Kabanata 1

3218 Words
It’s been a week since the school started. Naging magaan na ang pakiramdam ko ngayon dahil hindi na masakit ang aking katawan. Nagsimula na din ang normal na pagtuturo sa mga subjects ko. Pumasok ako sa aming room. Maaga nanaman ako ng isang oras kaysa sa nakatakdang schedule ko. Malapit lang kasi ang bahay namin sa university kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ang aga ko palagi. Tutal naman ay wala akong ginagawa sa bahay kaya maaga na lamang akong pumapasok. Napag-isipan kong matulog ulit. Nagiging routine ko na ang bagay na ito. May kakaiba kasi talaga sa mga rooms, mas masarap ang tulog dito kaysa sa bahay. Nagising ako nang may naramdaman akong mahinang tapik sa aking pisngi. Nakangiti akong dumilat para makita si Karen. Mabuti naman at hindi hampas o pambabatok ang bungad niya sa akin. Mukhang hindi siya sadista ngayon, ha? “Aba, mukhang maganda na ang gising mo ngayon. Hindi na masungit!” Nakangiti siya sa akin saka dahan-dahan na naupo. Nanliit ang tingin ko sa kilos niyang iyon. When I realized her actions, I grinned. Mabilis ko siyang binatukan. Nakita ko ang masamang titig niya sa akin. Hindi ko napigilan ang paghalakhak ng malakas, so siya naman ang meron ngayon. Ginawa ko ang lahat sa buong araw na iyon para mabwisit ng husto si Karen. Para naman makabawi manlang ako sa mga pinaggagawa niya sa akin noong ako ang meron. Siyempre, hindi naman ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa kanya. Kaya nga kami naging matalik na magkaibigan dahil may mga ugali kami na nagkakapareho. At isa na ang mapang-asar doon. Nagmaneho ako pauwi. Napalingon ako sa village’s park kung saan ako madalas na tumatambay tuwing uwian ko. Napagdesisyunan kong hindi na muna ako pupunta doon ngayon dahil gusto kong magpahinga. Medyo inaantok ako sa naging klase kanina. Ngunit napuno ng pagtataka ang aking isip nang may makita akong lalaki na nakaupo sa isa sa mga swing. Medyo pamilyar ang hubog ng kanyang katawan. Naisipan ko munang huminto na lang dahil nawala na rin naman ang antok sa aking sistema dahil sa pagiging kuryoso sa kanya. Sinadya kong mapaubo nang makalapit ako sa kanya. Ginawa ko iyon para makuha ang kanyang atensyon. Kung bakit, ay hindi ko rin alam. In my peripheral, I saw him looked at my direction. It was just quick. Binaling niya rin kaagad ang kanyang tingin pabalik sa lawa. Napanguso ako nang hindi niya ako pinansin. Ang snob naman. Naaalala ko na kung sino siya. Suot niya rin ang sombrero na gamit niya noon. Naupo ako sa kabilang side ng swing saka lumingon sa kanya. Hindi ko napigilan ang paglapit sa kanyang mukha para mas makita iyon ng maayos. Sa hubog kasi ng kanyang katawan ay mukhang gwapo siya. Sayang naman ang magandang katawan kung hindi naman pala maganda ang itsura niya. Mabilis siyang lumayo. Masama ang kanyang tingin sa akin saka inayos ang cap na suot. Napangisi ako nang mas lalo kong nakita ang kanyang mukha. I knew it! Ang gwapo nga niya. Suplado lang, pero gwapo talaga! Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong nararamdaman na hiya dahil sa mga pinaggagawa ko. Siguro ay mamaya ko iyon maiisip kapag mag-isa na lang ako. Bago kasi siya sa paningin ko. Sa tagal kong nakatira sa aming village ay halos kilala ko na ang karamihan ng nakatira dito. Maliit lang naman ang village na ito kaya kung may bagong lipat ay nalalaman ko agad. Saka, kaibigan ko na rin halos ang mga tao dito. Sa sobrang nalulungkot kasi ako na mag-isa ako sa bahay ay namamasyal ako dito sa village at nakakasalamuha ko ang ibang mga nakatira dito. Sinubukan kong ilapit muli ang aking mukha sa kanya ngunit iniharang niya ang kamay sa mukha ko. Lumapat ang aking ilong sa kanyang palad. Hmm, bango naman. Malamig ang kanyang tingin sa akin. Napanguso ako, ang sungit naman! Halos manlamig ako sa matagal niyang paninitig sa akin. Para niya akong sinusuri at hinuhusgahan sa pangungulit na ginagawa ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang aura na meron siya. Parang hindi siya marunong ngumiti. Akala mo, wala siyang alam na gawin kundi tumingin ng masama sa tao. Mas nakaka-curious lang tuloy lalo. Sinundan ko ng tingin ang kanyang ginawa. Naglabas siya ng phone at nagtype. Kumunot ang aking noo. Ganoon na lang iyon? Nagpapapansin ako dito, tapos iisnobin niya ako para makipag-text sa kung sino? Bakit? May girlfriend ba siya? Sana naman ay wala! Kung wala naman, I can volunteer myself. Napangisi ako sa aking naisip. Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa natapos siya sa pag-type. Nagulat ako nang iharap niya ang screen at pinahawak sa akin. “What do you need?” Nagtataka akong tumingin sa kanya. Hindi ko naiintindihan. Maglalaro ba kami ng pinoy henyo dito? O baka kaya charades? Na-curious naman ako bigla. Tamad ba talaga siyang magsalita? Kasi last week, he didn't tell me na may tagos ako, itinuro niya lang iyon at umalis bigla. Tapos ngayon ay hindi rin siya magsasalita at ita-type lang sasabihin niya? "Hey, bakit hindi mo nalang sabihin sa akin iyon? Tamad ka talagang magsalita? Mabaho ba hininga mo? Wala ka bang ngipin? Bulok ba ‘yan? Nako, huwag ka ng mahiya sa akin… what the hell!" Bigla niyang inagaw ang phone na hawak ko at nag-type ulit. “You talk too much. So noisy and... stupid.” Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit nakakaoffend pa rin kahit hindi ko naman talaga narinig ang boses niya habang sinasabi niya iyon. "Aba! Ang sakit mo naman magsalita? Nagtatanong lang ako eh!" Sayang ang kagwapuhan niya, napakasungit at suplado! He then get his phone again and typed. “Di ako nagsalita. Stupid.” "Alam mo, ikaw, nakakadalawa ka ng stupid sakin. I'm not stupid! I am running for Magna Cumlaude. I’m on my final semester in UP Diliman. Naririnig mo ako? It’s the University of the Philippines, Diliman! Kaya kong magtop sa board exam, so how dare you to call me stupid?” Itong lalaking ito, daig pa ang babaeng may menstruation sa pagiging masungit! “Isn't it stupidity if you didn't realize that I can't talk?” "Huh? Anong ibig mong sabihin?" “See. You are stupid.” "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ng direkta? Hindi iyong maghuhulaan pa tayo dito." Aba nakakahighblood na siya ah! Nakakaturn-off na siya. “Hindi ko pwedeng sabihin. I’ll just type it.” Namumuro na talaga ang lalaking ito. Kaunti na lang ay babatukan ko na siya. Ang sungit na nga, nambabara pa! "Oo na, itype mo na. Baka hindi kita matantya at masipa na kita eh." I rolled my eyes mentally. He typed again and he showed his phone to me. “Pipi.” My eyes automatically widen. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hampasin siya. Pakiramdam ko ay naoffend ako sa sinabi niya. "What the hell?! Tinatanong ko kung bakit hindi ka makapagsalita! Bakit gusto mong makita ang… ang pipi ko! Manyak ka!" I'm going hysterical and I almost run when he held my arm and make me still on the swing. “You are really so stupid! I'm not talking about that. I'm mute! I can't talk! Is it already clear to you?!” My jaw dropped. Aba malay ko naman. Sana kasi kinumpleto niya ang sasabihin niya. Masyadong misleading kung iyon lang ang nilagay niya. Akala ko talaga gusto niya ng makita eh. Siyempre hindi ako papayag… public masyado itong park, pwede naman sa sasakyan ko kung gusto talaga niya. Nakita ko ang pag-iling niya. Hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha. Seryoso at wala manlang bahid ng pagkatuwa. “Yes its not the v****a I'm talking. Stupid.” "Pwede ba? Hindi mo naman kailangang sabihin sakin iyan! Babae ako at meron ako niyan. Kainis ka ha." Inirapan ko siya. Muli siyang nagtype. “Kung hindi ko iyon sasabihin edi hindi mo magegets. Ikaw lang ang Engineer na slow na, nuknukan pa ng tanga.” "Ang sungit mo. Nakakainis ka. Pero sige na. I need to go. Tinignan ko lang naman kung sino ka. Baka kasi magnanakaw ka pala..." Talaga ba Vanessa? Sa dami ng dahilan, magnanakaw pa? Mukha ba siyang magnanakaw sa lagay na iyon? Latest Iphone nga ang kanyang gamit, tapos magnanakaw? Sa gwapo niya ring iyon? Hindi ko na siya hinintay pa na mag-type ulit. Dumiretso na ako sa aking sasakyan saka umalis. Nakahiga na ko at iniisip ko pa rin siya. Wala namang malisya... iniisip ko lang siya because I'm curious. Unang beses ko na nakasalamuha ng taong hindi nakakapagsalita. Inborn kaya iyon o may nangyari sa kanya na nakakatrauma kaya siya nagkaganyan? There are so many questions in my mind. I really don't know but he got my attention just because he is mute. Kinapa ko ang aking phone sa higaan nang marinig ang pagring niyon. Agad ko iyong sinagot. Si Mommy iyon. Nagliwanag ang aking mukha at mabilis akong bumangon. "Hello, Mom?" "Anak, we're going home in two months." Napasinghap ako sa aking narinig. Naramdaman ko ang matinding excitement nang marinig iyon. Sobrang namimiss ko na sila. It’s about time for them to have a vacation here! Malungkot akong napangiti. Bakasyon na lang kasi ang pwedeng gawin ng aking mga magulang dito. Me and my brother are still Filipino Citizen, pero sila Mom and Dad ay na-convert na into Canadian Citizen. Kaya naman, sa tuwing bumibisita sa akin ang mga magulang ko ay isang buwan lang ang pinakamatagal na stay nila. Si Kuya naman ang madalas na umuuwi. Pero siyempre, iba pa rin kapag kumpleto kaming apat dito. Hindi ko namalayan na matagal akong natahimik kaya muling nagsalita si Mommy. "Don't worry sweety, inaayos na namin ang citizenship mo dito. Sa oras na makagraduate ka, susunod ka na sa amin dito.” "I know, Mom. I just missed all of you. Ipapalinis ko po ang mga kwarto niyo kapag malapit na kayong umuwi. Is Kuya Vaniel going too?" "Yes. The three of us will be there. See you baby. Rest now. Alam kong gabi na riyan." "Wow! Thanks, Mom. I'm so excited. I can’t wait to see you all again. Say hi to Dad and Kuya Vaniel for me. I love you." "We love you too sweety, always." The call already ended yet my smile is still there. I guess I'll have a good sleep tonight. Nagising ako kinabukasan ng magaan ang aking pakiramdam. Sa tuwing pumapasok sa aking isip na mabubuo muli ang aming pamilya sa susunod na mga buwan ay naeexcite ako. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang makumpleto kami. Palagi kasing hindi sabay na umuuwi sila Mom, Dad at Kuya Vaniel dahil isa sa kanila ay laging nagpapaiwan sa Australia para mamahala. It’s a good thing that all of them are coming home. Sobrang namimiss ko na sila. Lalo na ang aking nakatatandang kapatid. We are very close to each other. Kahit madalas kaming mag-asaran ay talagang ramdam ko ang pagkakaroon ko ng kapatid dahil sa pagiging mahigpit niya. Kaya nga hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend ngayon. Pero pakiramdam ko naman ay malapit na rin. Nakilala ko na kung sinong pwede kong maging boyfriend. Napangisi ako. Wala akong pasok ngayong araw sa university kaya naman hindi ako nagmamadali na kumilos sa bahay. Sinilip ko ang ref namin para maghanap ng pagkain ngunit napansin kong walang stock. Kinausap ko ang aming kasambahay kung mayroon na bang nakatoka na mamimili ngunit wala pa raw. I volunteered myself to do the grocery. Wala akong balak na mabagot dito sa bahay kaya naman para maaliw, ako na lang ang mamimili para makalabas pa. Habang papasok ng grocery store, nilabas ko ang listahan na ginawa ng mga kasambahay para mas mapabilis ang mga bibilhin. Kinuha ko ang lahat ng mga nandoon, napansin ko kasing essentials talaga ang binibili nila sa grocery. Mas mabuti iyon. Kung ako lang din ay hindi naman ako magastos. Hindi ako mahilig mamili ng mga kung ano lalo pa at hindi naman kailangan. One thing my parents told me is that, I should learn how to value money. We are not guaranteed in the future that we will still experience the luxury things we have now. Tumatak iyon sa akin lagi lalo pa kapag nakakita ako ng mga bata o mga pamilya na sama-samang namumulubi sa daan. Kailangan ay hindi maging magastos lalo pa at hindi naman madaling kumita ng pera. We are just lucky enough dahil dati pa ay maganda na talaga ang reputasyon ng aming pamilya, both sides. Nang mabili ko na lahat, pumila na ko para magbayad. Nasa panglimang counter ako nang makita ko siya ulit. Napangiti ako. Nasa kabilang counter siya at mukhang hindi pa ako nakikita. Sabay lang kaming natapos sa mga binili namin kaya nung nakuha ko na ang plastic ko ay lumapit ako sa kanya at sumabay sa paglalakad. I thought he wouldn't notice me because he was busy with his phone nang bigla niyang iabot iyon sakin. Type pala niya ako. I mean, nag-type pala siya. “Are you stalking me now?” Napairap na lang ako sa nabasa ko. Kapal ng mukha nito. Hindi ko pa naman siya sinisimulan na ma-stalk. Lahat ng ito ay coincidence pa. Iyong mga susunod ang magiging produkto ng stalking ko sa kanya. Feelingero! "Ang kapal ng mukha. Hindi ba pwedeng mag-grocery lang din ako tapos nakita kita ngayon, tapos sumabay na ako sa paglalakad sayo? Namumuro ka na talaga sa panglalait sakin." “Kalait lait ka naman kasi.” "You are so mean!" “And you are so stupid.” Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon. Pasalamat lang talaga siya at gwapong-gwapo ako sa kanya kaya hinahayaan ko siyang sabihan ako ng mga ganyan. "Ewan ko sayo. Nagugutom ako. Just come with me.” “I'm full.” "Di ka gutom?" “Kakasabi ko lang diba?” Ngumisi ako at humawak sa aking bewang. Mapang-asar akong tumingin sa kanya. “Hindi mo kaya sinabi. You just typed it." Pagkatapos kong sabihin iyon, I swear I saw the side of his lips curved. He smiled! For the first time, he smiled at me! Achievement na ata ito. “You’re learning. Alright, let's eat.” Masaya akong ngumiti. Akala niya naman. Siyempre walang makakatanggi sa pangungulit ko. Hindi na rin tatalab iyang pambabara niya. “Siyempre, sabi ko naman sayo, hindi ako tanga ‘no.” Nabigla ako nang hawakan niya ako sa aking braso at hinila. Nagtagal ang tingin ko doon saka unti-unting tumingin sa kanya. Aba, dalawang araw pa lang kaming nakakapag-usap, may pahawak na siya sa akin. Akala ko mahihirapan akong mapaamo itong masungit na ito eh. Pero baka, pinagbibigyan lang din ako nito para tantanan ko na siya sa pangungulit ko. But no, I have no plans of stopping. Naaliw ako sa kanya. Why not make him as my friend? First time kong magkakaroon ng kaibigan sa village namin na lalaki at hindi nalalayo ang edad sa akin. Well, sa ngayon, friends lang muna… pero kung gusto niya naman na ikasal kami agad, bakit hindi? Dinala niya ako sa isang fast food. Sikat ito dahil sa mura nitong offer na pagkain lalo na ang mga unlimited rice. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at naramdaman kong gutom na ako. Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala ako nakapag-almusal kaninang umaga. Mukhang mapaparami nanaman ang kain ko nito. I looked at him and he is typing again. “You order. Unli rice for me. Chicken.” Inabot niya ang isang libo sa akin. Masyadong malaki iyon para sa order niya. Ibig sabihin ba noon ay libre niya na ako? "Sagot mo na pagkain ko ha? Dagdagan ko na rin ng dessert ha para keep the change!" Natatawa ako habang sinasabi iyon. Napailing lamang siya sa akin at naghanap ng upuan. Kinuha niya rin ang pinamili ko at sinama iyon sa kanya. Hawak ko ang aking number saka nilibot ang tingin sa paligid para hanapin siya. Nakita kong nakapwesto siya sa hindi kalayuan. Nagtungo ako palapit sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang sukling limang piso. Atleast, may natira pa. Napatingin siya doon. Akala ko nga ay hindi na niya kukunin iyon pero hindi, kinuha niya iyon at nilagay sa kanyang bulsa. Pumangalumbaba siya saka tumingin sa malayo. Ayan na naman siya, ang seryoso niya nanaman. Kung makatingin nanaman siya ay parang naghahamon ng away. “Ano pa lang pangalan mo? Nakakahiya naman, date ito tapos hindi ko alam ang pangalan mo.” Nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay at malamig na tumingin sa akin. Napanguso ako. Akala ko pa naman, okay na kami. Akala ko close na kami kasi ngumiti na siya sa akin kanina pero ayan nanaman siya! Masungit nanaman. Wala naman akong sinabing mali. “Anong pinagsasabi mong date? This is not a date.” Nagkibit-balikat ako sa kanya. “Para sayo hindi, pero para sa akin, date ito. So, what’s your name?” Matagal niya akong tinitigan. Nagpacute ako sa kanya habang ginagawa iyon para tumatak ako sa kanya. Napatawa ako ng hindi manlang nagbago ang kanyang reaksyon sa aking ginawa. “I’m Zandrick.” Pati pangalan niya ay gwapo! Nag-abang ako ng ilang saglit kung kusa niya bang tatanungin ang pangalan ko ngunit muli siyang tumingin sa malayo. Kainis! “Wala ka bang balak na itanong ang pangalan ko?” Sarkastikong tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng hindi manlang ginagalaw ang kanyang mukha. Mabagal siyang umiling at hindi na ako muling tinapunan ng tingin. So ano iyon, date namin tapos hindi niya ako papansinin. Ang boring naman ng taong ito. Hindi malang ako tanungin ng kung ano-ano para naman may alam siya sa akin. Mabuti na lamang ay dumating na ang pagkain. Nagsimula kaming kumain. Hindi ko na muna siya pinansin dahil nagwawala na ang aking tiyan sa gutom. Hindi ko namalayan kung nakailang kanin ako, basta ang alam ko ay busog na busog ako. Inusog ko ang aking plato palayo. Hindi ko na kaya. Puputok na ata ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Napalingon ako sa iba ko pang inorder. Mukhang iuuwi ko na lamang iyon para makain sa bahay. Aalukin ko muna siya kung gusto niya, pero sigurado naman akong sa akin din iyon mapupunta. Pakiramdam ko kasi ay hindi siya mahilig sa dessert. Kaya nga walang kasweetan sa katawan ang lalaking ito. Hinayaan ko siyang dalhin ang plastic ng mga pinamili ko kanina. Mabagal ang aking paglakad dahil sa kabusugan. Nang makarating sa sasakyan ay nilagay niya ang aking pinamili sa backseat. Mabilis siyang tumalikod sa akin pagkatapos niyon. Nagulat ako namh maglakad na siya palayo. Wala siyang sasakyan? Nagmadali akong nagmaneho at hinabol siya. Binaba ko ang aking bintana at hinarap siya. “Sabay ka na! Medyo malayo pa ang village mula dito. Mabigat pa naman ata iyang dala mo…” Tumingin lang siya sa akin saglit saka tumingin na muli sa kanyang nilalakaran. Ayaw pang tumanggap ng tulong! Wala pa namang kapalit ito ngayon, ha? Binusinahan ko siya ng malakas. Galit siyang bumaling sa akin. Napahalakhak ako sa kanyang reaksyon at itinuro ang katabi kong upuan. Wala na siyang nagawa kaya sumakay na siya at tumabi sa akin. I'm the one who is driving while he is in the passenger seat. Nakakatuwa dahil wala siyang pakialam kahit nandoon siya. Some boys have their big pride and they don't want a girl to drive while they are in the passenger seat. I guess, Zandrick is really one of a kind. When we reached the gate of the village, I felt his fingers poking my arm. “Ibaba mo na ko dito. Salamat.” "You sure?" I asked as I opened the lock of the door. Sayang naman, gusto ko pa naman malaman kung saan ang bahay niya dito. He simply nodded his head and headed his way out of the car. Pero bago pa siya makalayo ay sumigaw ako. "Zandrick!" Lumingon siya sakin at tumingin. "I'm Vanessa! Thanks for your time today. Ingat!" Sabi ko saka kumaway sa kanya bilang pamamaalam. He nodded again and for the second time, he smiled a little. I smiled at him too and I noticed my heart. Beating fast.  He already turned his back at me and continued walking home but my heart stayed still. What was that?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD