Kabanata 2

3227 Words
"Mukha kang zombie." Bungad sa akin ni Karen. I seriously didn't get any sleep since that day. It’s been what? It’s been three days! Pero sa tuwing naalala ko iyong pagngiti niya ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Ang bilis ko naman para doon. Crush ko pa lang naman siya bakit may ganito na ako agad na nararamdaman?! Wala pa ngang isang buwan mula nang makilala ko siya tapos bumibilis na agad ang t***k ng puso ko sa kanya? Hindi pwede iyon.  "Hoy! Mukha ka na ngang zombie, lutang ka pa!" "Pwede ba, Karen. Ano bang problema mong bruha ka? Kita mo na ngang problemado ako, nagdadaldal ka pa riyan." Nakabusangot akong tumingin sa kanya. "Ayun na nga. May problema ka tapos ayaw mong sabihin. Family problem ba iyan ulit?" Bahagyang gumaan ang aking loob nang mabanggit niya ang pamilya. Naalala kong malapit na nga palang umuwi sila Mommy dito. Atleast ay may mga makakasama na ako ulit sa bahay kahit saglit na araw lang. "Hindi. Wala akong problema kila Mommy. Actually, they are coming here in a month. So I am happy about that.” Tumango siya sa akin at pumangalumbaba. “Edi kung ganoon, bakit mukha kang lutang? Ano bang iniisip mo? I’m curious.” I was hesitant to tell her. Nasa loob kasi kami ng room at alam ko na ang magiging reaksyon ng babaeng ito kapag nagkwento ako sa ganoong bagay. Natatandaan ko, kapag may naikukwento ako sa kanya tungkol sa mga tipo kong lalaki ay kailangan nasa malayong lugar kami. Iyong dapat kaming dalawa lang ang nasa lugar na iyon dahil maingay talaga siya at hindi matatahimik hangga’t hindi nalalaman ang tungkol sa lalaking sinasabi ko. Napailing ako. Saka ko na sasabihin sa kanya. "Ayan, ayaw magsabi. Sige ganyan ka na ha. Okay lang. Maraming salamat sa lahat.” Naupo siya at umarteng nagtatampo. Natawa naman ako sa kanyang ginawa. Lumapit ako sa kanya at bumulong. “Mamaya ko ikukwento kapag uwian na.” Mabilis siyang humarap sa akin at ngumisi. “Lalaki iyan ‘no!” Naramdaman ko ang excitement sa kanyang boses. Hindi ko napigilan ang pagngiti kaya impit siyang tumili. Agad ko siyang binatukan. See, I just confirmed that it’s all about a guy, ganyan na siya agad maka-react. Natapos ang klase namin para sa araw na iyon. Pinasabay ko siya sa akin at nagtungo kami sa malapit na coffee shop dito sa University. Sinimulan kong ikwento ang tungkol kay Zandrick. Sandali lang din iyon dahil kakaunti pa lang naman ang mga oras na nakakasama ko ang lalaki. “So, inlove ka? Iyon ang problema mo?” Nasa dulong bahagi kami ng shop na iyon para hindi siya makapag-ingay. “Hindi ah! Anong inlove? Dalawang araw pa lang ata kami nagkakausap, inlove agad?” Inirapan niya ako saka sumimsim sa frappe na kanyang iniinom. “Then why are you thinking of him?” Kumalma ako ng bahagya at napasandal sa aking kinakaupuan. “Hindi ko din alam… pero hindi pa ito love. Sigurado ako doon. Crush maybe?” Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. “Huy girl? Okay ka lang? Ilang taon ka na nga ulit? Anong pinagsasabi mong crush? Hindi na uso sa edad natin iyan! Indenial ka…” Sinamaan ko siya ng tingin. Ang kulit talaga! “Hindi nga kasi. Crush ko lang siya, that’s it.” Nagkibit-balikat lamang ito. Kinuha niya ang kanyang phone na nakalapag kanina sa lamesa at mukhang may binasa. Mabilis siyang tumingin sa akin habang inuubos ang inumin. “Vans, I need to go. Pinapauwi na ako ni Mommy, may pinapagawa pa kasi sa akin.” Nagpaalam ito sa akin at umalis na. Sinilip ko ang oras at napansin na maaga pa. Saan naman kaya ako magpupunta ngayon? Hindi ko na hinintay na maubos ang aking inumin. Dinala ko iyon sa aking sasakyan at umuwi. Bumagal ang takbo ng aking sasakyan nang dumaan ako sa village’s park. Hinanap ng aking mata ang pamilyar na hubog ng katawan ni Zandrick ngunit hindi ko siya nakita. Ipinarada ko ang sasakyan at nagpasyang bumaba na muna at mag-stay doon. Naupo ako sa swing at tumingin sa lawa. Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag nandito ako. The nature always makes me calm. The green color of trees in the forest is soothing in the eye. Talagang nakakawala ng stress at pagod kapag naupo ka lang dito saglit. Katulad ng madalas na nangyayari, bihira lang ang tao ngayon dito. May mga pasok kasi ang mga bata. Mas madami ang tao dito kapag bakasyon. Halos punuan ang park, pati ang mga namamasyal sa gubat. Wala ring bakante sa mga mini boat kapag ganoong panahon. Naputol ang aking pag-iisip nang narinig ko ang paggalaw ng kabilang swing. Bumaling ako at nakita ko si Zandrick. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko napigilan ang paglitaw ng ngiti sa aking mukha. "Hi, Zandrick." Ako na ang unang bumati sa kanya dahil mukhang wala siyang balak na lumingon sa akin. Diretso lang din ang kanyang tingin sa lawa at sa kagubatan sa dulo niyon. He looked at me and nodded. Bakit ang tahimik niya? I mean, oo he can't speak pero hindi siya iyong tipo ng tao na madaldal o makwento. Baka tinatamad din siya magtype kaya mas maganda na hindi na lamang siya kikibo. Akala ko ay hindi na niya ako papansinin nang bigla niyang iharap sa akin ang kanyang cellphone. “Why are you always here? Sinusundan mo talaga ako, ‘no?” Napanguso ako. Ang taas naman masyado ng confidence niya. Busy pa ako sa pag-aaral kaya hindi ko pa siya masundan-sundan. Lahat ng ito ay coincidence pa lamang. Siyempre, alam ko naman ang priority ko. Mauuna lagi ang pag-aaral, susunod lang ang paglalandi. “Sa village na ito ako nakatira, so it would be normal for me to be here. This is my favorite place. Kaya naman, sorry to tell you, hindi kita sinusundan.” Tumango lang siya sa akin at nanatili ang diretsong tingin. Wala nanamang balak na makipag-usap sa akin ang lalaking ito. "Ikaw? Bakit lagi kang nandito?" “Same reason as yours.” Gaya-gaya naman ito. Wala manlang originality. Halatang tamad na tamad akong kausapin. “Ayaw mo ba akong kausap?” Naiirita kong sabi sa kanya. Tumaas ang kilay niya bago ako tignan. Ang sama talaga. “Ayoko sa maingay.” Sumimangot ako. Hindi pwede iyon. Medyo madaldal akong tao. Kailangan ay masanay siya sa maingay na katulad ko kung gusto ko talaga na magkatuluyan kami. “Alam mo, gusto ko sa tahimik! Click ata tayo.” Nakangisi kong sabi. Nagsalubong ang kanyang kilay sa akin. Napansin kong medyo nagtatagal siya sa pag-type niya. Mukhang mahaba ang gusto niyang sabihin ha? Naisipan kong dumungaw sa kanyang phone. Nakita ko ang mabilis na pagcreate niya ng blank screen at madiin na nagtype. “Lumayo ka sa akin.” Umangat ang aking tingin sa kanya. Napangisi ako nang makita ng malapitan ang kanyang mukha. Walang pores! Mas makinis pa sa mukha ko ah. Nanuot din sa aking ilong ang kanyang pabango. Nakakagigil naman, sarap kagatin. Hindi ko sinunod ang kanyang gusto. Sa halip ay mas lumapit pa ako sa kanya. Hindi nagbago ang kanyang expression. Nakasalubong pa rin ang kilay nito habang nakatingin sa aking mata. Ngumisi ako. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong pitikin sa noo. Napalayo ako sa kanya at hinawakan iyon. Tumalim ang aking tingin sa kanya. Ang sakit naman! Kapag naapektuhan utak ko dahil sa ginawa niya, maghanda na talaga siya! “Ang tigas ng ulo mo. Hindi ka marunong makinig sa isang pakiusapan.” Napataas ang aking kilay sa nabasa ko. “Excuse me? Hindi ka nakikiusap! Galit ka pa nga. Akala mo talaga first time may babaeng nakalapit ng ganoon sayo. Bakit… hindi ka pa ba nagkaka-girlfriend?” Binati ko ang aking sarili dahil matagumpay kong naisingit sa usapan iyon. Ang galing ko talaga mag-isip. Mukhang okay pa naman ang utak ko kahit naalog ng kaunti sa ginawa niyang pagpitik. Matagal ang kanyang titig sa akin. Sa huli ay napahinga siya ng malalim at umiling. Para bang hindi na niya alam ang dapat niyang gawin sa akin. Kung nakakapagsalita lang siguro siya ay nasigawan na niya ako dito. O baka naman ay nabigyan na ako ng isang malutong na mura. Mabuti na lang din pala at hindi siya nakakapagsalita. Ngunit, ano kaya ang pakiramdam kapag naririnig ko ang boses niya? Naiimagine ko na lalo akong maghahabol sa kanya kapag narinig ko iyon. Pakiramdam ko ay malalim ang kanyang boses, nakakapanlambot ng tuhod kapag tinawag niya ang pangalan ko. Lalo pa siguro kung umuungol na siya… teka mali. Hindi ko pala dapat iyon iniisip! “Wala akong girlfriend. At hindi ako interesado sayo kahit anong pagpaparamdam pa ang gawin mo.” Sumimangot ako sa kanya at sinamaan siya muli ng tingin. “Masyado kang masakit magsalita ha. Sige, kakainin mo din iyang sinasabi mo.” Kasalukuyan kaming nagrereview para sa prelims. Kalmado akong nagmemorize ng mga formula na gagamitin para sa susunod na exam. Naiinis akong lumingon kay Karen dahil sa ingay nito. Nagpapanic kasi ito ngayon dahil hindi niya para raw nasasaulo ang mga terms. Maingay niya muling binasa ang isang sentence na kanina niya pa inuulit-ulit. “Modulus of rigidity is the elasticity coefficient for shearing or torsion force, it is also known as the ratio of shear stress to shear strain. God, Karen! You’re already reading it countless of times and yet you still can’t memorize it? Nadidistract ako sayo!” Sumimangot siya sa akin at umirap. “Sorry naman ‘no? Hindi kasi ako pinagpala na magkaroon ng utak na katulad mo!” Hindi ko na siya pinansin ulit. Ilang minuto lang ay narinig ko nanaman siyang nagsalita. “Vans, paturo nga ulit nitong part na ito. Nakakatakot baka diyan ako magkamali mamaya.” Sinilip ko ang kanyang sinasabi at matiyagang itinuro iyon ulit kahit pa pangatlong beses na iyon. Ilang minuto lang ay dumating na din ang aming professor at nagsimula na kaming mag-exam. Tumagal ng dalawang oras ang exam namin na iyon at nang matapos ay latang-lata ang itsura ni Karen paglabas ng pinto. Nakangiti akong tumingin sa kanya. Hindi naman mahirap tulad ng ineexpect ko. Kapag nag-aral ay kayang masagutan. Pinag-uusapan namin ang ilang mga sagot at kung paano nakuha ang mga iyon habang naglalakad papuntang cafeteria. Naramdaman ko na ang gutom. Mabuti na lang at nakapag-exam na kami noong nakaraan sa huling subject namin kaya wala na kami gaanong gagawin ngayong araw. Naupo kami sa bakanteng lamesa at nagsimula na si Karen na mag-usisa sa akin. "So kamusta naman lovelife mo?" Tanong niya pagkatapos sumubo sa kanyang pagkain.  Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Meron ba? I’m not aware?” Naiinis nanaman tuloy ako. Idiniin ko ang tinidor na hawak ko sa spaghetti na kinakain. Mukhang napansin iyon ni Karen at mapang-asar na tumingin sa akin. “Break na kayo kaagad? Bilis naman, isang linggong pag-ibig lang pala iyon?” Mapang-asar siyang humalakhak sa akin. Hindi ako nakapagpigil sa kanya at kinurot ko siya sa kanyang braso. “Hindi ko nga boyfriend iyon!” Naiirita ako sa mga sinasabi niya. “Okay, edi hindi! Defensive mo masyado.” Hindi na ako muling nagsalita. Bumalik sa akin ang sinabi ni Zandrick sa hapong iyon. Naoffend ako sa kanya. Bakit hindi siya interesado sa akin? Maganda naman ako kahit papaano. Matalino pa. Masaya din ako kasama at maraming baon na kwento lagi. Sisiguraduhin kong hindi siya maiinip kapag magkasama kaming dalawa. Nagdeklara na siya agad, ilang araw pa lang naman kaming magkakilala! Hindi lang masyadong maganda ang impression niya sa akin pero bakit hindi muna niya ako subukang kilalanin? Sa ginagawa niyang ito, lalo lang akong nag-aalab na gustuhing mapalapit sa kanya lalo. “I’m curious about him. Gusto ko siyang mameet…” Tumaas ang aking isang kilay sa kanya. Hindi pwede. Madaldal ang babaeng ito kaya hindi maaaring magkaharap ang dalawang ito. “Asa ka naman.” Ngumuso siya at ngumisi. “Bakit naman? Akala ko ba hindi naman kayo, bakit binabakuran mo?” “Hindi ko naman siya binabakuran!” Hindi ko napigilan ang pagsinghal sa kanya.  Ang galing talaga mang-inis ng babaeng ito. Tumawa lang ang aking bruhang kaibigan. Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakasanayan kong dumaan palagi sa village’s park kapag uuwi. At sa loob ng ilang araw na iyon ay palagi kong nakikita si Zandrick na nakatambay din doon. Lalo ko siyang kinulit at sa tuwing ginagawa ko iyon, nararamdaman ko rin ang kanyang inis sa akin. Ipinagsasawalang bahala ko na lamang iyon. Mabuti nga at unti-unti na akong nasasanay sa kasungitan niya. Pakiramdam ko naman, hindi siya masasanay sa kakulitan ko. Itinigil ko ang sasakyan sa park at masayang naglakad sa swing at naupo doon. Maaliwalas ang aking mukha na humarap sa kanya. Nakabusangot nanaman siya sa akin. Okay lang, sanay na ako. “Hi!” Masaya ko siyang binati. Puno ng energy iyon at tinatapatan niya iyon ng isang tango. Huminga ako ng malalim. Nakakababa ng magandang vibes ang lalaking ito. “Why are you here? You should be studying for your exams.” Ito na ata ang isa sa mga nag-improve sa pagitan namin. Hindi ko na siya kailangang pilitin para makausap. Madalas ay may sagot na siya sa mga tanong ko, ngunit mas madalas parin ang simpleng paggalaw lamang ng ulo ang ginagawa niya. “Well, hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ko naman na kailangan mag-aral. Magaling ako, kahit stock knowledge lang.” Pagmamayabang ko. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Tumango lamang siya at tinignan ang papalubog na araw. Nagbuntong-hininga ako at muling nagsalita para mag-open ng usapan. “Wala ka bang ginagawa sa buhay mo? Bakit parang ang dami mong oras na tumambay dito?” “Hindi mo naman kailangan malaman.” Sinimangutan ko siya. Pinapatay niya talaga lagi ang usapan. Kapag nagsalita siya ay automatic, wala na akong maisip na pwedeng sabihin pa ulit. “Bakit ang sungit mo sa akin? I’m just being friendly to you…” Sa wakas ay hinarap na niya ako. Nakataas ang gilid ng kanyang labi. Is he smiling? Nanlaki ang aking mata nang makitang nakangiti nga ito. It’s been days simula nang nakita ko siyang ngumiti. Palagi talaga ay nakabusangot siya o kaya naman seryoso at tila walang emosyon na pinapakita. “You are being too friendly. Ganito ka rin ba makipagkaibigan sa ibang lalaki?” Nagsalubong ang aking kilay sa kanyang sinabi. “Hindi ah! Wala nga akong friends na lalaki eh…” Tumango ito at muling nagtype. “Kung ganoon, bakit gusto mong makipagkaibigan sa akin? Lalaki ako.” Ngumisi ako. Tumayo ako at nagtungo sa kanyang harapan at ibinaba ang aking mukha para maging kalevel ng kanya. “Sa ngayon kasi, friends muna. Tapos sa susunod, alam mo na…” Inilapit ko ang kanyang mukha sa akin. Lumayo siya sa akin. Bigla siyang tumayo kaya naman sa gulat ay napasubsob ako sa kaniyang dibib. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdib. Umangat ang aking tingin sa kanya. Ngayon lang nagkalapit ng ganito ang aming katawan. Ramdam ko mula sa akin ang kanyang katawan. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Para akong mabibingi dahil doon. Idinikit ko ang aking pisngi sa kanyang dibdib habang nakaharap sa gilid. Napapikit ako sa sarap ng aking nararamdaman. Ang bango niya pa. Grabe naman, perfect na siya bilang first boyfriend ko! Hinawakan niya ako sa aking balikat at sapilitang inilayo sa kanya. Kasabay niyon ay ang pagharap ng kanyang phone sa aking mukha. “Huwag mo ng sagarin ang pasensya ko sayo. You wouldn’t like it if I played with you.” Kumunot ang aking noo. “I am not playing with you. It’s true. Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo. Naaaliw lang kasi ako sa reaksyon mo kapag inaasar kita kaya palagi kong ginagawa. Pumayag ka na kasi na friends tayo para hindi ko na ulit gagawin ang mga iyon…” Nagdududa siyang tumingin sa akin. Tignan mo itong taong ito, wala talagang tiwala sa akin. Well, may point naman na hindi niya ako pagkatiwalaan dahil kapag naging close na kaming dalawa, gagawa na ako ng paraan para magkagusto siya sa akin. “Ayaw mo talaga pumayag ha?” Lumapit ako sa kanya. Sa bawat hakbang ko palapit ay siya namang hakbang niya paatras sa akin. Ayaw na ayaw talaga na makalapit ako sa kanya. Ano ba ako? May nakakahawa ba akong sakit? Mabaho ba ako? Hindi naman ha! So bakit lagi siyang lumalayo sa akin? Okay naman ang itsura ko para sa isang average na babae. Hindi naman ako mukhang bruha kaya bakit ayaw niya makipagkaibigan sa akin? Hindi ko namalayan kung gaano namin katagal na ginawa iyon, hanggang sa mapasandal na siya sa isang pinto. Napangisi ako sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang balikat at tumingkayad. Naramdaman ko ang paghinga niya sa sobrang lapit ng aming mga mukha. Hindi ko inaasahan nang bigla niyang hulihin ang aking mga kamay at ako ang kanyang isinandal sa pader. Nanlalaki ang aking mga mata. Kumalabog ang aking dibdib dahil siya naman ngayon ang lumalapit sa akin. Napalunok ako dahil doon. Hindi ko inakalang wild din pala siya. Binibiro ko lang naman siya kanina. Para namang hahalikan ko talaga siya. Pero siyempre naman, pwede! Kung gusto niya ng kiss, pwede naman… Bumalik ang aking atensyon sa kanya. Walang emosyon ang kanyang tingin sa akin. Seryoso ang kanyang mukha. Ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mukha at magkakahalikan na kami. Binitawan niya ang aking balikat at lalo pang lumapit. Ito na ba iyon? Mawawala na ba ang first kiss ko? Willing naman ako na sa kanya ibigay iyon. Napapikit ako. Naghintay ako ng ilang segundo habang hinihintay ang pagdating ng aking first kiss. Nanlamig na ang aking labi ngunit wala pa rin akong nararamdaman na halik. Idinilat ko ang aking mata. Napalingon ako sa paligid nang makitang ako na lang ang tao doon. Wala na akong kasama, wala na si Zandrick! Bakit hindi ko manlang naramdaman?! Am I really anticipating him to kiss me? Of course! Bakit hindi niya itinuloy? Sayang naman iyon! Opportunity na sana eh. Pero grabe, para siyang pusa. Hindi manlang ako nakarinig ng kaluskos noong umalis siya. Akala ko ay saglit lang akong napapikit ngunit wala na talaga siya kahit saan ko pa ilibot ang aking mata. Napailing ako at nagtungo na sa aking sasakyan. Nakaisip ako ng napakagandang idea. Tutal naman ay iilang bahay lang ang mayroon dito sa village ay iikutin ko ang mga iyon para malaman kung saan nakatira si Zandrick. Umuwi na muna ako at nagpalit ng damit. Sinimulan kong magdoorbell sa mga bahay na katabi ng sa amin. Tinanong ko ang mga ito kung may kilala ba silang Zandrick. Nagtataka ang kanilang mukha at sinabing ngayon lang nila narinig ang pangalan na iyon. Nahihiyang ngumiti ako sa kanila. Gusto pa nga nilang makipagkwentuhan sa akin tungkol sa lalaking hinahanap ko ngunit tumanggi ako at nangakong babawi sa susunod. Sunod akong nagtungo sa mga bahay sa kabilang kalsada. Magalang akong nagtanong sa mga ito ng tungkol kay Zandrick ngunit hindi rin daw nila kilala. Ganoon din ang ginawa ko sa iba pang mga bahay sa village hanggang sa makarating ako sa dulo. May isang bahay doon malapit sa dead end. Nanliit ang aking mata, parang hindi pamilyar sa akin ang bahay na iyon. Malakas ang kutob ko na baka doon nga ang bahay ni Zandrick. Nagdoorbell ako ng isang beses. Lumabas ang isang lalaki. Hindi siya ganoon katanda, hindi rin ganoon kabata. Nakauniform ito na pang-gwardya. “Ano pong sadya niyo dito?” Sumilip ako sa loob ngunit hinarang niya ang kanyang katawan. Sumimangot ako. “Kuya, may nakatira ba diyang lalaki na gwapo, hot at matipuno na may pangalang Zandrick?” Nagtataka ang tingin nito sa akin ngunit tumango lang siya. Nagliwanag ang aking mukha. Sa wakas! “Talaga? Pwede pong pakitawag, may utang po kasi sa akin iyon e…” Nagdududa itong tumingin sa akin at sinaraduhan ako ng pinto. Aba! Pati ba naman gwardya ni Zandrick, ubod din ng sungit!? Aalis na sana ako dahil mukhang wala akong mahihita doon nang muling bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang bagong ligo na si Zandrick. Hindi niya naitago ang pagkagulat sa kanyang mukha. “Hello, Zandrick! Nandito ako para maningil ng utang.” Sinamantala ko ang pagkagulat niya at mabilis na lumapit sa kanya. Tumingala ako at dinampian ng mabilis na halik ang kanyang labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD