Kabanata 3

3054 Words
Nagkatinginan kami ni Karen. Malaki ang kanyang ngisi sa akin at niyakap ako. “Thank you, Vans! Naisalba mo nanaman ako sa major exam. Mukhang wala akong bagsak ngayong prelims…” Nagpasya kami na magtungo sa paborito naming milktea shop para kahit papaano ay mabigyan namin ng reward ang aming sarili. Prelim pa lang ay medyo naging stressful agad ang exams. Parang ayaw kaming paalisin ng maayos dahil mahihirap ang mga bigay sa ibang exam. Pareho naming ninanamnam ang inumin namin. Masarap ang naging pagsandal ng aking likod sa upuan. Napapikit ako. Gusto kong bumawi ng tulog. Ilang araw din akong napuyat dahil sa pag-aaral ngunit worth it ito dahil magaganda nanaman ang mga results. “Grabe, sumakit ulo ko ngayong week ha. Kinakabahan na ko para sa buhay ko ngayong midterms. Sana naman walang professor ang maninira ng pangarap.” Napatawa ako sa sinabi niya. Kung kailan huling sem, saka pa magiging alanganin. Sana nga ay maging mabait na ang mga professors namin. Nalagpasan naman na namin ang pinakamahirap na parte ng course namin. Thesis nalang naman ang magiging matrabaho naming subject ngayon. “Pero mabuti na lang talaga at huli na ito. Malapit na tayong makagraduate!” Napangisi ako sa sinabi niya. “Sigurado akong makakagraduate ako, ikaw ba? Are you sure you’ll graduate on March?” Matalim ang naging kanyang tingin sa akin. Napahalakhak na ako ng tuluyan. “Kumatok ka nga sa kahoy. Bwisit ka, mamaya magkatotoo iyan eh...” Lumakas pa lalo ang aking tawa. Ginawa ko naman ang sinabi niya saka muling uminom sa aking milktea. Napansin ko ang pagkawala ng simangot niya. Nabaling ang kanyang mukha sa entrance ng shop. Nagtataka kong sinundan ang kanyang tingin. Nanliit ang aking mata nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Matagal bago ako nakasiguro kung sino iyon bago siya tinawag. “Clark!” Napalingon siya sa aming gawi. Nanlaki ang kanyang mata saka mabilis na naglakad palapit sa akin. Agad niya akong niyakap. “Gosh, Vans! I missed you.” Mahigpit niya akong niyakap. Umalingawngaw ang matinis niyang boses sa buong shop. Humiwalay siya sa akin. Nagkaroon ako ng pagkakataon para makita ang reaksyon ni Karen. Pareho kaming natawa ni Clark nang makitang nakanganga ito. Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang aking kaibigan. Humawak sa bewang si Clark at tinaasan si Karen ng kilay. Pumalantik ang isang kamay nito nang ituro si Karen. “Ang pangit ng make-up mo, girl! Mas maganda yung darker shade sayo. Huwag mong paputiin ang mukha mo, mukha kang espasol.” Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Karen. Hindi ko napigilan ang malakas na pagtawa. Ito pala ang sinundan niya ng tingin kanina. Kitang-kita sa kanyang mukha ang panghihinayang dahil sa malambot at maarteng pagkilos ni Clark. Sa sinasabi nga nito ay mas may alam pa siya sa make-up. Mayroon kasi siyang store at nagbebenta siya ng mga magagandang products. Sa kanya ako umoorder kapag nauubusan ako ng mga gamit na pampaganda. Siya rin mismo ang nagtuturo sa akin kung paano gumagamit ng mga iyon. He will always recommend me everything that will suit my complexion and will enhance my beauty. Naupo si Clark sa aking tabi. Hindi parin nakakapagsalita si Karen at titig na titig siya sa aming dalawa. Nakaramdam ako ng kamay na gumugulo sa aking buhok. Umangat ako ng tingin at nakita si Clerk, ang kambal ni Clark. Napangiti ako. “Clerk! Bakit kayo nandito? Kailan pa kayo nakauwi galing Canada?” Sa tuwing nagbabakasyon ako sa Canada ay sila ang mga kasama ko. May lahi ang kambal na ito at sa Canada talaga sila nakabase. Bata pa lang ako ay kaibigan ko na ang dalawang ito kaya sobrang close kami sa isa’t-isa. Halos kapatid na ang turing ko sa mga ito kaya naman masaya ako na nandito sila ngayon. Si Clark at Clerk ay identical twins. Ang naging palatandaan ko lang sa kanilang dalawa noong mga bata kami ay ang nunal at dimple sa mukha. Si Clark ay may nunal sa ibabaw ng kanyang labi. Nasa gilid iyon at kita agad kahit nasa malayo. Si Clerk naman ay wala gaanong visible na nunal ngunit mayroon siyang malalim na dimple sa magkabilang pisngi. Dahil doon, nalalaman ko agad kung sino sila. Pareho silang lalaki dati. Maaga lang kasing lumandi itong si Clark at sobrang nasaktan kaya natakot na ulit na magmahal ng babae. Kaya ayan, naisipin na maging bakla na lang. Pero kahit ano naman siya ay tanggap namin siya ni Clerk. Hindi din naman strict ang mga magulang nila doon kaya mabilis siyang nakapag-out. Si Clerk naman ay may pagkaseryoso at natitiyak kong straight ito kahit hindi pa nagkakagirlfriend. Palagi ko nga itong kinukulit at nirereto sa mga kaibigan ko ngunit ayaw niya talaga. Tinatanong ko siya kung baka bakla din siya, ngunit lagi lang siyang natatawa habang tumatanggi sa akusasyon ko. Minsan nga ay pati si Clark ay tinatanong ko na para malaman kung bakit ba ayaw niya pa rin magkaroon ng girlfriend. Ngunit isa lang ang sinasabi niya. “May gusto iyang babae. Natotorpe lang. Huwag mo ng tanungin kung sino dahil hindi ko ilalaglag ang kambal ko.” Gusto ko nga magtampo dahil doon. Para naman akong iba sa kanila. Ayaw nilang sabihin sa akin. Huling nagkita-kita kaming tatlo ng personal ay noong nakaraang taon. Bumisita sila dito sa Pilipinas. Graduation na kasi nila noon kaya naman umuwi sila dito para makasama nila akong mag-celebrate. Hindi ko maikakaila na isa sila sa pinakamalalapit na tao sa akin bukod sa pamilya ko. “Kahapon lang, we’re on a vacation. Sasagarin namin ang isang buwan naming bakasyon dito.” Sabi ni Clerk. Naupo ito sa aking tabi at bahagyang ipinatong ang kamay sa aking balikat. Wala namang kaso sa akin iyon dahil kumportable ako sa kanila. Maarteng bumaling sa akin si Clark. Natuwa ako. Na-miss ko ang baklang ito! “Girl, papunta na kami sa bahay mo. Huminto lang kami dito para bumili ng milktea na paborito mo. Sayang ang surprise.” Sa sobrang gigil ko ay kinurot ko siya sa pisngi. Napanganga siya sa aking ginawa at ginawaran ako ng masamang tingin. Sumilip ako kay Karen at nakitang titig na titig parin ito kay Clark. Mukhang natameme ang kaibigan ko ngayon ha. “Don’t do that again, ha. Sinisira mo ang make-up ko. May gwapo pa naman sa kabilang table.” Malandi itong ngumiti at humarap sa kabilang table. Nakita kong nagpa-cute ito. Sumunod ang aking tingin sa kabilang table. Napasinghap ako nang makita si Zandrick doon habang nakaharap sa kanyang laptop. Nagtama ang aming tingin ngunit mabilis din niyang iniwas iyon at ibinalik ang tingin sa laptop. Bigla akong hindi mapakali. Bakit hindi ko manlang namalayan na nandito rin pala siya? Kanina pa kaya siya diyan? Napatingin ako sa kambal na katabi ko ngayon. Nasa magkabilang gilid ko ang mga ito at si Clerk ay nakaakbay sa akin. Muling bumalik ang aking tingin kay Zandrick ngunit mukhang wala naman siyang pakialam sa akin at ang buong atensyon niya ay nasa laptop. Napanguso ako. Ano bang iniisip ko? Kahit nga ata makita niya akong makipaghalikan sa ibang lalaki ay wala siyang pakialam. Biglang bumalik sa akin ang ginawa ko noong isang araw. Nakagat ko ang labi ko at napahawak sa aking noo. Hindi ko rin talaga alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para halikan siya noong araw na iyon. Sobrang hiya ang naramdaman ko pagkatapos ng pangyayaring iyon. Bumaba ang kanyang tingin sa akin nang humiwalay ako sa kanya. Dahan-dahan kong narealize kung ano ang ginawa ko. Hinalikan ko siya, s**t! Nakita ko ang pagsama ng kanyang tingin sa akin. Malakas niyang sinarado ang gate pagkatapos niyon. Halos kumalampag pa nga ang gate. Akala ko ay magigiba na dahil galit talaga siya. Hiyang-hiya ako habang naglalakad pabalik sa aking sasakyan. Nang makapasok ako sa loob ay pinakawalan ko ang isang malakas na sigaw. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Hinawakan ko ang aking mukha at napakainit niyon. Sumilip ako sa rear view mirror at nakita ang aking mukha. Sobrang namumula ito. Lokaret ka talaga, Vanessa! Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at naisip mong gawin iyon? Awkward tuloy iyon sa susunod na magkikita kami. Lalo lang akong hindi papansinin ni Zandrick dahil doon. Halos hindi ako nakatulog sa gabing iyon kakaisip sa kalokohan na ginawa ko. Masyado akong nagpadala sa pagkapahiya na ginawa niya sa akin sa park kaya ko nagawa iyon. Sigurado akong galit iyon sa akin at talagang hindi na ko kakausapin niyon kahit anong gawin ko. “Ano ba iyan! Tigilan mo na nga ang pagtitig sa mukha ko. Alam kong nagagandahan ka sa akin but stop it already, okay? You’re making me uncomfortable.” Napabaling ako kay Clark nang sabihin niya iyon kay Karen. Pinanuod ko ang unti-unting pagngisi ni Karen sa kaibigan ko. Pareho naming pinapanuod ni Clerk ang dalawa ngunit hindi lahat ng atensyon ko ay nasa kanila. Maya’t-maya ay sumusulyap ako sa lamesa ni Zandrick ngunit hindi na talaga siya muling tumingin gawi namin. “Hindi ka bakla...” Umangat ng sobrang taas ang kilay ni Clark dahil sa sinabi ni Karen. Itinuro niya ang kanyang mukha saka nagsalita. “Tignan mo ngang mabuti ang mukha ko. Mas mukha pa kong babae sayo, kaya excuse me...” Inirapan siya nito. Napangiti ako habang pinapanuod sila. Hinaplos ni Clerk ang aking buhok kaya napabaling ako sa kanya. “May problema ka?” Nag-aalalang tanong nito. Kumunot ang aking noo sa tanong niya. “Wala naman... bakit?” Matagal siyang tumingin sa akin at bumaling sa kabilang lamesa. “Nakita kitang panay ang tingin sa kabilang table. Kilala mo ba iyon?” Natawa ako at nailing na lamang sa kanya. Ang galing talaga niya. Sobrang kilala niya ako kaya alam niya agad sa kilos ko kung anong problema. He loves to observe everybody. At sa ginagawa niyang iyon ay nakikita niya ang ginagawa ng bawat isa at kung ano ang mga nararamdaman ng mga ito. “Oo, he is... a neighbor. Nakikita ko siya madalas around our village.” Mabagal siyang tumango habang binabasa ang aking reaksyon. I assured him with a smile. Nagpaalam na si Karen na aalis na dahil malapit ng gumabi. Napatingin ako sa kambal at tumayo na din. “So, where are you guys staying? Doon pa rin ba sa condo?” May tig-isang condo silang dalawa at nasa iisang building lang iyon. Doon sila tumitira sa tuwing umuuwi sila dito sa Pilipinas. Hindi iyon kalayuan sa village na tinitirhan ko kaya madalas ay tumatambay sila sa bahay ko. Mukhang ganoon ulit ang mangyayari ngayong isang buwan na bakasyon nila dito. “Yes. We will visit you tomorrow. Okay lang ba iyon? Are you not busy?” Agad akong umiling. “Wala akong pasok bukas, sige, magpapaluto ako kila Manang ng paborito niyo. Magpunta kayo ng lunch time, okay?” Ngumisi ang kambal sa akin. Lumapit sa akin si Clark at muli akong niyakap. Nakipagbeso pa ito sa akin bago tuluyang humiwalay. Sunod na lumapit sa akin si Clerk. He pat my head before hugging me. “I missed you, Vans.” Tinapik ko ang kanyang likod at gumanti sa kanyang yakap. Nang makalayo ako ay ngumiti ako sa kanilang dalawa. “Na-miss ko din kayong dalawa ng sobra.” Nauna na silang umuwi. Nagpaalam ako sa mga ito na oorder lang ulit ng milktea para may mainom ako pag-uwi. After I ordered for my drink, I went to Zandrick’s table. Doon ko na lang hihintayin ang milktea ko. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin noong umupo ako sa kanyang harap. Napansin ko ang ilang mga tao na napasinghap nang maupo ako doon. Nilibot ko ang aking mata at nakitang puro babae pala ang nakapaligid sa table ni Zandrick. Napangisi ako. As if naman makabwelo kayo sa lalaking ito. Unang tingin at alam ko agad na mas maganda ako sa mga babae na nandito kaya naman nasisiguro kong hindi rin sila bibigyan ng pansin ni Zandrick. Ako nga na maganda, naii-snob niya, sila pa kaya? Pilit kong inaagaw ang atensyon ni Zandrick, nagpapacute ako ngunit nasa laptop lang talaga ang kanyang tingin. Hanggang ngayon ba ay galit pa rin siya sa akin? Para namang big deal. Smack lang naman iyon! Saka sa gwapo niyang iyan, imposibleng unang experience niya iyon. Sa akin nga na first time, okay na okay lang eh. Sabay kaming lumingon sa babaeng kaedaran ko na lumapit sa kanya. May dala itong cellphone. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay sa kanya. Ang lakas naman ng loob nitong babaeng ito. “Hello... uhm, can I take a photo of you? For research puposes only.” Masama ang naging tingin ko sa babae. As if naman mapapaniwala niya ako. Alam ko din at confident ako na hindi niya mauuto si Zandrick. Walang reasearch na basta na lang kukuha ng picture. Sana manlang ay nagdala siya ng papel para props niya. Kapag ganoon, kahit papaano ay mapapaniwala ako! Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Zandrick nang walang alinlangang ngumiti ito sa babae. Ni hindi niya pa nga ako nabigyan ng ganoong ngiti tapos itong babaeng mukhang clown ay nginitian niya agad-agad? Tumango siya sa babae at humarap sa camera. Bumilis ang aking paghinga sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon. “Nako... maraming salamat po. Last na po, kailangan po kasi ng pangalan at cellphone number niyo. Huwag po kayong mag-alala, confidential po ang identity niyo at hindi ko ipagkakalat.” Pabagsak kong nilagay ang aking kamay sa lamesa. Napabaling silang dalawa sa akin. Naging seryoso ang mukha ni Zandrick habang nakatingin sa akin samantalang ang babae ay bahagyang natakot sa akin. Lalo lang akong nanggigil nang halos sumiksik siya kay Zandrick dahil sa takot. “Huwag ka ngang nagpapaniwala sa babaeng iyan. As if naman para sa research talaga iyan!” Mabilis na humarap ang bruha na iyon kay Zandrick at umiling. “Hala, Sir. Totoo po. Para po talaga sa research ito...” Sinamaan ako ng tingin ni Zandrick. Napanganga ako ng kumuha siya ng papel at mukhang isinulat doon ang pangalan at numero niya. Tumingin sa akin ang babae na kanina lang ay mukhang kaawa-awa at takot, ngayon ay nakangisi na siya sa akin at umirap bago nagpasalamat kay Zandrick saka umalis. Sobrang sama ng loob ko sa kanya ngayon. Ang unfair niya naman sa akin? Bakit iba ang treatment niya pagdating sa akin? Napakasungit niya sa akin samantalang mas kilala pa nga niya ako kaysa sa babaeng iyon. Ni hindi ko nga alam ang buong pangalan niya, lalo naman ang number niya! “Hoy, Zandrick! Kung galit ka sa akin dahil ninakawan kita ng halik, magsabi ka na lang para maibalik ko!” Kumunot ang kanyang noo ngunit hindi niya ako tinignan. Muli siyang bumalik sa pagtype sa kanyang laptop. Pinapahiya na talaga niya ako sa mga tao dito! “Hindi mo talaga ako papansinin ha...” Nagbabanta na ang aking boses ngunit wala pa rin epekto sa kanya iyon. Naiinis na tumayo ako at dinala ang upuan sa kanyang tabi. Inusog ko iyon at sinagad sa tabi niya. Dinungaw ko ang kanyang ginagawa at puro financial reports iyon ng isang restaurant. Salubong ang makakapal niyang kilay nang sa wakas ay tinapunan niya ako ng tingin. Pinantayan ko iyon ng matalim din na titig sa kanya. Nakakainis siya. Ngayon ko napatunayan na ayaw nga talaga niya sa akin. Ano bang pwede kong gawin para maging magaan ang pakiramdam niya sa akin? Kinuha niya ang kanyang cellphone at maya-maya pa ay hinarap niya iyon sa akin. “Don’t you dare come near me.” Seryoso at matalim ang kanyang tingin sa akin ngunit wala akong pakialam. Hindi ako makakapayag na ganito ang trato niya sa akin. “Bakit ang unfair ng treatment mo sa akin? Bakit doon sa babae, mabait ka? Sa akin, wala pa akong ginagawa, napakasungit mo na agad.” “Naiirita ako sayo. Kaya please, lubayan mo na ako.” Nakaramdam ako ng mahihinang kirot sa aking dibdib ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. “Hinding hindi kita titigilan. Sisiguraduhin kong magkakagusto ka sa akin.” Padabog akong tumayo at dinala ang milktea na kanina pa dumating sa aking lamesa. Naiinis akong nagtungo sa aking sasakyan. Inalog ko ang milktea dahil baka nawalan na iyon ng lasa. Nakasimangot ako habang iniinom iyon. Kinapa ko ang aking bulsa para sa susi ngunit hindi ko iyon naramdaman doon. Tinignan ko ang aking bag ngunit wala din iyon doon. Muli kong kinapa ang aking pantalon ngunit wala talaga. Napalingon ako nang makaramdam ng kalabit galing sa aking likod. Bumungad sa akin ang seryosong mukha nito. Hawak niya sa isang kamay ang kanyang laptop habang ang kabila naman ay hawak ang susi ko. Iniangat niya iyon at inalog sa aking harapan. Umirap ako sa kanya at akmang kukunin iyon nang bigla niyang iangat. Sobrang sama na ng tingin ko sa kanya ngayon, gusto ko na munang magtime-out sa pangungulit sa kanya ngayong araw dahil grabe na talaga ang ginagawa niyang pag-snob sa akin. Kahit ang mga salita na sinasabi niya sa akin ay nakaka-offend na. Mas matangkad siya ng ilang pulgada sa akin kaya naman hindi ko maabot ang susi ng sasakyan kahit pa talunin ko iyon. Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya. “Bakit ba ayaw mong ibigay?” Hindi ko na naitago ang kairitahan sa aking boses. Gusto ko na munang umalis at hindi na muna siya makita dahil naiinis na talaga ako. Kailangan kong pagplanuhan ng maayos ang mga susunod na hakbang na gagawin ko para mahulog siya sa akin. “Promise me to stop this nonsense before I give your keys. I’m not stupid to play with you and your games.” Umiling ako sa kanya. Mukha bang nakikipaglaro ako sa kanya? Gusto ko lang naman kasi makipagkaibigan sa kanya noong una, ayaw niya ako pagbigyan kaya lalong umaalab sa akin ang pagnanais na mapansin niya ako. Kung sana ay pinagbigyan niya na ako agad ay maayos kami. Hindi ko naman mapipilit sa kanya na magustuhan ako. Kahit naman ako, hindi naman ako sigurado kung gusto ko siya o baka infatuation lang ito. Anong malay natin at baka nabigla lang ako sa nararamdaman ko ngayon kaya ganoon na lang ang kagustuhan kong mapalapit sa kanya. Dapat kasi ay hinahayaan niya na akong makapasok sa buhay niya para mawala na ang curiosity ko sa kanya. Baka kapag nalaman ko ang mga gusto kong malaman sa kanya ay bumalik na sa normal ang buhay naming dalawa at hindi ko na siya ulit kulitin. But if he insists, wala naman akong magagawa. Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya. Dahan-dahan kong inabot ang aking susi. Mabagal niyang binaba iyon nang makita ang aking expression. Nakitingin siya sa mukha ko habang ginagawa iyon. Nang makitang abot kamay ko na ang aking susi ay tinalon ko iyon at kinuha sa kanya saka tumakbo papunta sa kabilang side ng aking sasakyan. Bumalik ang ngisi sa aking mukha at mapang-asar na tumingin sa kanya. “Asa ka naman!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD