“Nakapunta ka na ba sa gubat?” Nanatili ang tingin ko doon. Sabi ko na nga ba at doon kami tutungo. I felt excited because after years of being here, ngayon lang ako makakapunta doon. Lumapit kami sa pila kung saan nagbabayad para sa mini boat. Si Zandrick ang sumagot ng bayad doon. Binigay ng staff ang dalawang life vest at sagwan sa amin. Mayroon ding isang nag-assist sa amin kung anong kulay na mini boat ang aming sasakyan. Unang sumampa doon si Zandrick. He maintained his balance before reaching out his hand for me. Inabot ko iyon habang ang isang kamay ko ay hawak ng lalaki. Pagsampa ng aking isang paa ay agad na dumapo ang kamay ni Zandrick sa aking bewang para maalalayan ako at hindi mawalan ng balanse. Nang mawala ang pag-uga ng mini boat ay saka kami naupo. Malaki ang aking

