It’s almost 4 pm when we decided to go back. Pagkatapos niyang ma-secure ang lock ng bahay at ng gate ay saka kami lumakad pabalik sa trail. Hindi gaya kaninang umaga, mas doble ang tao ngayon dito dahil hapon na. Karamihan din sa mga ito ay pabalik na sa entrance. Mabuti nga at walang nakahalata sa amin na galing kami sa kung saan, mamaya kung ano pa ang isipin ng mga iyon. Pagdating sa entrance ay muli akong inalalayan ni Zandrick pabalik sa bangka. Habang nagsasagwan siya ay tinitigan ko siya. His muscles are flexing everytime he’s rowing the mini boat. Medyo may kabigatan iyon noong pinahawak niya sa akin kanina but as I look at him now, parang effortless siya kung magsagwan. Tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Mas lalong lumiwanag iyon at na-enhance ang kanyang itsura. Li

