Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang muli kong makaharap ang mga magulang niya. Should I greet them and smile like nothing happened? Dapat bang lumapit din ako sa mga ito at magbeso? Sa huli ay nanahimik na lamang ako hanggang sa kusa akong batiin ng kanyang ama. Seryoso ang mukha nito at lalo kong naalala si Zandrick sa kanya. Pareho sila ng ugali pagdating sa bagay na iyon. “I’m happy you granted our request. Alam kong medyo hindi naging maganda ang unang pagkikita natin kaya gusto kong humingi ng paumanhin sayo.” He looked to his wife. Mapangmataas pa rin ito at mukhang hindi natutuwa sa pangyayari. “Sheena.” Madiing tawag ng asawa nito. Iritable itong humarap sa akin. “I’m sorry, iha.” Labas sa ilong na sabi nito saka hindi na muli akong tinapunan ng tingin. Hindi ko na lan

