Ngumiti ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon nang muli ko siyang nakaharap. It has been two days simula noong umamin siya sa akin at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi siya nagparamdam sa akin. Wala ang usual texts niya na nangangamusta sa akin. “Are you okay?” Kalmadong tanong niya. He was acting as if nothing happened. Para bang hindi siya umamin sa akin nitong nakaraan. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Bumaba ang tingin niya sa aking braso na may ilang mga gasa. Mabilis na bumahid ang pag-aalala sa kanyang mukha. Maingat niyang hinawakan iyon. “What happened?” Iniwas ko ang aking kamay at itinago sa aking likod. Napansin ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mukha ngunit nawala din iyon agad. “Masyado na kasing mahaba ang kuko ko, nakalmot ko tuloy…”

