Seryoso at madilim ang kanyang mukha. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso at halos manikip iyon sa tindi ng kaba na aking nararamdaman. Hindi pa nga kami nagkakaayos mula sa nangyari noong nakaraan, tapos nagkaganito pa? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. May kinuha ito sa kanyang bulsa, isang panyo at maingat na pinunas sa aking labi. Bahagya akong lumayo doon na agad namang ikinatalim ng kanyang titig sa akin. “A-Ang lipstick…” Hindi siya nagpatinag at ipinagpatuloy ang ginagawa sa aking labi. Nang matapos iyon ay tinago niya ang kanyang panyo. Akmang magsasalita ako nang bigla niyang hinapit ang aking bewang at binigyan ako ng mapagparusang halik. Hindi ko napigilan ang pagsinghap dahil sa ginawa niya. I wasn’t expecting this! Humigpit ang hawak niya sa aking bewang at kinuha

