Mabilis na lumipas ang mga araw. Mas naging malapit kami lalo ni Zandrick. Mas nakilala ko rin siya. Mabait nga talaga ito sa lahat. Totoong tao rin ito kaya naman gusto ng lahat. Sa akin lang talaga naging iba ang trato niya dahil hindi niya raw talaga gusto ang mga tulad kong babae. Ayaw niya sa maingay. Ayaw niya sa paraan ng pananamit ko. Ayaw niya sa ugali kong palaban at hindi nagpapatalo. Naiinis siya na nasusunod lahat ng gusto ko. Napangisi ako. It’s not true that just because you hate someone, you won’t be able to fall in love with them. Mas malaki pa nga ang chance na magustuhan mo ang taong kinaayawan mo. Dahil sa galit ka sa tao, you will keep on thinking of them. Iisipin mo ang mga negatibong bagay at kung bakit ka inis na inis sa kanila. You’ll even swear to yourself t

