Maaga akong nagising. Nakatanggap ako ng text kay Clerk kagabi na 7 am ay dadaanan nila ako para sabay-sabay na kaming magpunta ng airport. Unang dadaanan ay si Karen since mas malapit siya sa condo ng kambal, tapos ay ako para diretso na ng airport. Sinamaan ko ng tingin si Kuya. “Kuya ha, huwag kang gagawa ng kahit ano habang wala ako. Pinapabantayan kita sa mga kasambahay.” Napailing lang ito sa akin. “Tigilan mo ko Vanessa. Ikaw pa ang mas praning sa akin. I would never do that.” Nagdududa pa rin ang aking tingin sa kanya. Sinilip ko ang oras. Halos thirty minutes pa bago mag-alasiete kaya naman nagpaalam muna ako kay Kuya at pupunta na muna kila Zandrick. Binilisan ko ang lakad ko para makarating agad doon. Hindi ko alam kung gising na ba si Zandrick dahil hindi naman ako naka

