Nakapangalumbaba ako habang pinapanuod siyang magluto. Nakatingin ako sa mukha niya ngunit hindi manlang niya ako tinatapunan ng tingin. Lalo akong napangisi. “Kakalimutan ko na lang ang nangyari kanina…” Saglit siyang napatigil sa paghahalo ng kanyang niluluto ngunit agad din siyang nagpatuloy. “I will just pretend that it didn’t happen…” Hindi pa rin niya ako pinansin at tuloy parin siya sa paghalo. “Kunwari hindi mo sinasadya na makalimutang hawak mo ako…” Huminga siya ng malalim saka nakasimangot na humarap sa akin. Hindi ko napigilan ang paghagalpak ng aking tawa. Gusto ko siyang kurutin sa pisngi dahil sa labis na panggigil. “Hindi ko naman talaga sadya. I didn’t notice that I was still holding you.” Mabagal akong tumango. Hindi nawala ang aking ngiti. Ganoon din ang t***k ng

