Hindi pa ako nakakarecover sa inis na binigay sa akin ng babae sa shop kaya mabilis na nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. “What do you mean!? Do you expect me to just accept what she said? Totoo naman ang sinabi ko ha? She’s being rude, customer ako. I was being polite while asking her my concern pero iyon ang sasabihin niya sa akin?” “Kahit na! You can atleast stop making that scene. Pinalala mo pa lalo.” Sarkastiko akong tumawa. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng matinding inis para sa kanya. “Zandrick! Ganoon ka ba kagalit sa akin kaya hindi mo makita na tama naman talaga ako? I just defended myself from that humiliation! Hindi ako tagarito kaya kailangan kong ipaglaban ang sarili ko. Hindi ko naman siya sinaktan ha? Pero para sayo, kasalanan ko pa rin!” Galit kong kinuha sa

