“Sir! Sorry hindi ko na-exit. Pasensya na.” Lumingon ako kay Luis at sinamaan siya ng tingin. Sa kanya pala iyon. Ang kapal talaga ng mukha! Talagang sa TV pa ni Zandrick nanunuod ng p**n! Lumapit si Zandrick sa akin at hinarap ang phone. “Umuwi ka na.” Mabilis akong tumango. Mas mabuti pa nga na umuwi na muna ako. Ang bilis pa ng t***k ng puso ko dahil sa nangyari. Nakakaloka talaga iyon. Sinundan niya ako hanggang sa makalabas ng gate. Humarap ako sa kanya at tipid na ngumiti. “Thanks for letting me in. Sana sa susunod ulit.” Seryoso lang si Zandrick at walang imik. Lumipat ang tingin ko kay Luis na ngayon ay nakangisi sa akin. “Bastos ka!” Sabi ko sa bwisit na gwardya ni Zandrick bago pumasok sa aking sasakyan. Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig.

