Pilit akong ngumiti sa kanya. “Clerk, balik na muna ako. Napagod ako…” Kahit nagtataka ay pumayag ito sa akin. Nakasunod ang tingin ni Zandrick sa amin habang paakyat kami sa taas. Nabigla ako nang humawak sa aking bewang si Clerk. Mabilis akong lumayo sa kanya. Napalunok ako at umangat muli ang tingin kay Zandrick. “Are you okay?” Bumaling akong muli kay Clerk. Umangat din ang kanyang tingin sa taas at muling bumalik sa akin. Sinikap kong kumalma muna bago magsalita. “Yes… tara na?” Medyo lumayo ako sa kanya nang makarating kami sa taas. Diretso ang tingin ni Zandrick sa akin habang naglalakad ako palapit sa kanya. Nakatayo pa rin ito sa railings at napansin kong may mga babaeng nagtatangka na lumapit at makipag-usap sa kanya pero ni hindi niya tinatapunan ng tingin ang mga iyon.

