Hinintay muna namin ang nurse makatapos sa pag lilinis ng sugat ko at pagpapainum ng Gamot sa akin. Nang nakalabas na ang nurse,dali dali ako nagbihis ganun din si Ann. "Na hacked na ba ni Geo ang CCTV sa kulungan?"-tanong ko kay Ann. "Yeah,nag iisa lang siya sa loob,sa taas ka dumaan dahil meron daan sa itaas ng kanyang kulungan"-sabi ni Ann na tumango lang ako. Ni locked ni Ann ang kuwarto bago kami umalis ,nagsuot ako ng sumbrero palabas ng hospital. Nakita ko si Geo at Drake na nakatayo sa labas ng kotse ,agad naman kaming sumakay ni Ann. Pinaandar agad ni Drake ang kotse at umalis na kami. "Ito ang Baril mo"-inabot sa akin ni Geo ang silencer na baril ko. May pinakita si Geo na isang blue print, "Dito ka dumaan,sa mismong kulungan ni Rosales may butas sa kisame doon ka lulus

