Nandito kami lahat sa loob ng ICU,si Garret nakayapos pa rin ito kay Jenny,tinanggal na ang ibang aparato sa katawan ni Jenny.Sobrang sakit!ang sakit sa Dibdib!Hindi nauubos ang mga luha ko,patuloy na dumadaloy sa aking mukha. Nakita ko si Dr.Rivas. "Bea ,Ann puwedi ko ba kayong dalawa makausap?"-saad nito na tumingin kami ni Ann. Tumango lang si Ace sa akin.Tinulak ni Ann ang wheelchair ko palabas na kasunod namin si Dr . Rivas. Sa isang chapel kami pumunta.Tumingin ako sa unahan kung saan may nakapako sa krus. Are you for real?bakit si Jenny pa?bakit siya pa?!Oo hindi ako palasimba,hindi ako nagdadasal pero naniniwala ako sa iyo.Please,give her another chance!Hindi ko napigilang humagulhol. Pati si Ann umiiyak din ito.Umupo si Dr.Rivas sa tabi namin at nakatingin rin ito sa unaha

