Sobrang uhaw ang nararamdaman ko, parang tuyong tuyo ang aking lalamunan.Pagmulat ko ng aking mga mata,nakita ko na tulog si Ace at hawak hawak ang aking kamay. Huling naalala ko na nabaril ako ni Black Panther. Si Jenny! "Si Jenny?!"- Agad naman nagising si Ace. "Baby, thanks God nagising kana!"-lumuluhang sabi nito at niyakap ako ng sobrang higpit. "Si Jenny,Ace si Jenny?!"-natatarantang tanong ko dito. Umiwas ito ng tingin sa akin.Hindi naman masyado malala ang tama ng baril sa Dibdib ko,kaya alam ko na okay ako.Pero si Jenny!sa ulo siya natamaan. "Puntahan ko si Jenny ,Ace"-nakikiusap na sabi ko. "Mahina ka pa,baka dumugo ang sugat mo"-mahinahon na sabi nito. "Ilang araw akong tulog?"- "Isang araw lang ,mabuti ang tama ng baril malayo sa puso mo"-sabay halik nito sa noo ko.

