Sumunod pang mga araw, nahihirapan na si Lazarus sa paglilihi ni Laureen. Siya kasi ang napaglilihian nito. At kung anu-ano ang inuutos sa kanya ni Laureen. Sinusunod na lamang niya kahit nahihirapan na talaga minsan sa ibang utos ni Laureen. "Oh? Kumusta ka naman? Bakit ganiyan ang itsura mo? Sa susunod na araw, ikakasal ka na. Kaya bakit parang pumapangit yata ang itsura mo? Hindi ba dapat magpa-fresh ka para guwapong guwapo ka sa araw ng kasal mo?" nakangiwing tanong sa kanya ni Zion. Hinawakan ni Lazarus ang kanyang ulo. Sumasakit ang ulo niya. "Hindi ko alam na kakaiba pala maglihi ang isang babae. Si Laureen, mga kakaiba ang inuutos niya sa akin, noong una nagiging pabebe siya, naging madamdamin siya... tapos may mga inuutos siya sa aking imposible. Iyong kakain sana kami sa labas,

