Dumating ang araw na pinakahihintay ni Lazarus. Ang araw ng kasal nilang dalawa. Habang naglalakad si Laureen patungo sa altar, umiiyak na siya. Kahit ayaw niyang umiyak, hindi niya napigilan. At nang makalapit sa kanya si Laureen, tinawanan niya nito. "Ano ba iyang itsura mo? Ang pangit mo naman! Bakit ka umiiyak diyan?" tumatawang tanong sa kanya ni Laureen. "Sobrang saya ko lang dahil sa wakas, magiging akin ka ng talaga. Wala ng sinuman ang puwedeng umagaw sa iyo mula sa akin. Mapapatay ko talaga," wika niya bago pinahid ang kanyang luha. "Wala naman talaga akong balak na magpaagaw sa iba. Huwag ka ng umiyak diyan. Tulo na naman uhog mo eh," tumatawang sabi pa ni Laureen. Nagsimula na ang seremonya. Naiinip na nga si Lazarus dahil gusto na niyang halikan ang kanyang asawa. Gusto na

