Mabilis na lumipas ang ilang buwan, tuluyan na ngang nanganak si Laureen. Isang malusog na lalaki ang kaniyang isinilang. Natupad ang hiling ni Lazarus na maging lalaki ang panganay nilang anak. Kasalukuyang nagpapahinga sa kanilang bahay si Laureen. Tatlong araw ang makalipas simula nang manganak siya, naghakot ng ilang gamit ang kanyang byenan upang alagaan ang kanilang anak. "Ang guwapo ng anak natin, kikipie. Sa susunod babae naman sana ang anak natin," nakangising wika ni Lazarus. Inirapan niya ang kanyang asawa. "Kapapanganak ko pa lang, gusto mo na kaagad humirit ng babae? Gusto mo bang tahiin ko iyang títi mo para hindi na dumura ng mabantot mong tamód! Ang sakit ng tahi ko letse ka!" Tumatawang niyakap siya ni Lazarus. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Kahit after five

