Inilibot ni Laureen ang kanyang paningin sa barong-barong niyang iyon. Kauuwi niya lang galing sa trabaho. Habang pinagmamasdan niya ang dating tirahan, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot dahil iiwan na niya ito. Marami siyang magagandang memories sa munting tirahan niyang iyon ngunit hindi naman puwedeng doon na lamang siya nakatira. Hindi naman puwedeng doon na lang siya tatanda. Gusto niyang yumaman. Kahit hindi sobrang yaman ay ayos lang sa kanya. Kahit may kaya lang basta maranasan niyang mabili ang mga gamit na gusto niya. Matikman ang mga masasarap na pagkaing nakikita niya lang sa social media. Makakain sa mga kilalang restaurant. "Laureen! Laureen!" humahangos na wika ni Duleen. "Oh bakit? Ano ang nangyari sa iyo?" takang tanong niya sa kanyang kaibigan. "Wala lang. N

