Abala sa paghuhugas ng plato si Laureen dahil katatapos lang nila kumain. Hindi niya tinitingnan si Lazarus dahil sa isip niya, galit ang binata. Nakasimangot ang mukha nito habang nagkakalikot ng kanyang cellphone. 'Tsk! Umatake na naman ang katangahan ko! Bakit kasi hindi ko nai-lock iyong pinto? Na-excite kasi akong matulog kaagad!' "Anong oras ka aalis dito?" tanong niya nang matapos siyang maghugas. "Kung kailan ko gusto," simpleng sagot ng binata. Umarko ang kilay niya. "Wow! Hanep! Anong kung kailan mo gusto eh papasok ako sa trabaho? Hoy, Mr. Harris! May pasok pa ho ako sa trabaho ko! Hindi puwedeng tambay lang dito!" "Sinabi ko bang hindi ka makakapasok dahil nandito ako?" Napanganga si Laureen. "Wala ka namang sinabi pero nakakailang kaya na nandito ka! Sanay akong mag-isa

