"Magandang hapon, Laureen! May dala akong lumpiang toge at siomai para sa iyo. Magmeryenda ka na," nakangiting wika ni Marvin sabay abot ng supot sa dalaga. Tinanggap naman iyon ni Laureen at saka nagpasalamat. "Pasaway ka. Bakit may ganito pa? Baka mamaya, pambili niyo na lang ito ng bigas binili mo pa ng ganito para sa akin." Tumawa si Marvin. "Hindi loko! Nakabili na ako ng isang sakong bigas para kina mama at sa kapatid ko. Tapos nakapag-grocery na rin ako kahit papaano. May tira pa sa sahod ko. Sumahod na kasi ako eh. Ang hirap ng trabaho ko bilang construction worker pero kapag sumahod na, ang sarap sa pakiramdam." "Itabi mo ang pera mo. Mag-ipon ka para sa sarili mo. Bumili ka ng damit. Short mo pati na brief. Baka nagtitiis ka pa rin sa butas mong brief. Sisilip talaga ang bayad

