"Napakaganda mo, kikipie," nakangiting wika ni Lazarus kay Laureen. Kinilig naman doon si Laureen. Simula nang magkaayos silang dalawa ni Lazarus, nakita niya ang pagbabago nito. Naging sobrang lambing sa kanya, naging mas maalaga pa at naging masunurin sa kanya. Nakikita niya ang lahat ng pagbabago ni Lazarus para mas maiparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal. At dahil doon, napagtanto niyang kapag mahal ka talagang tunay ng isang lalaki, kahit hindi mo sabihing magbago siya, magbabagao ito ng kusa. "Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero kasi sa tuwing pupunta ako sa inyo, sa bahay ng parents mo, pakiramdam ko ang taas-taas niyo. Tapos ako, isang mababang hampas lupa. Parang hindi talaga ako belong sa pamilya ninyo," kagat labing sabi ni Laureen. Bumuntong hi

