Lumipas ang ilang linggo, bumalik na nga sina Lazarus at Laureen sa Manila. Nakaayos na ang lahat ng gamit ni Laureen sa kanilang kuwarto. Napangiti si Laureen nang ilibot niya ang paningin sa malaking bahay ni Lazarus. Dati, pangarap lang niyang makatuntong sa malaking bahay na nakikita niya lang sa T. V. at online pero ngayon, sa malaking bahay na siya nakatira. At magiging asawa niya pa ang may-ari nito. "Nandito na ang lahat ng gamit mo, kikipie. Noong isang araw ko pa pinahakot sa apartment. Teka, kailan pala natin puwedeng ipa-ultrasound ang tiyan mo? Para malaman natin kung babae ba o lalaki ang anak natin?" tanong ni Lazarus sa kanya. "Siguro kapag mag-seven months na siya para sigurado talaga kung babae o lalaki. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong exc

