48

1102 Words

Habang lumilipas ang mga araw, nagugustuhan na ni Lazarus ang ginagawa niyang pag-iihaw. Kahit pawis na pawis siya, wala siyang pakialam. Enjoy na enjoy naman siya sa kanyang ginagawa. "Grabe ang pawis mo, butil-butil! Teka, punasan ko nga muna iyan. Baka tumulo pa diyan sa iniihaw mo," wika ni Laureen sabay punas sa pawisang mukha ni Lazarus. "Kikipie, ganiyan ba talaga ang pagbubuntis mo? Hindi pa rin halata na buntis ka," sambit ni Lazarus nang himasin nito ang kanyang tiyan. "Aba, malay ko diyan! Huwag kang excited, lalaki rin iyan. Iba-iba raw talaga ang tiyan ng babae kapag nagbubuntis. May malaki kaagad kahit isang buwan pa lang, may iba naman hindi pa rin halata ang tiyan kahit tatlong buwan na," tugon ni Laureen sa kanyang nobyo. Matamis na ngumiti si Lazarus at saka hinaplos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD