Parang sabog na sabog si Lazarus habang naglilinis ng kanyang katawan. Pupuntahan niya ngayon si Laureen. Wala pa siyang tulog. Nakaidlip lamang siya ng halos isang oras at hindi na nasundan pa. Sobrang excitement kasi ang nararamdaman niya. Pupuntahan niya si Laureen ngunit hindi niya ito lalapitan. "Ano? Tara na!" nakangising wika sa kanya ni Zion. Kinailangan niyang magpasama sa kanyang kaibigan at si Zion ang nagmaneho ng kanyang sasakyan. Dahil nga sa wala siyang tulog at lutang siya, baka madisgrasya pa siya. "Baka naman bigla mong lapitan si Laureen kapag nakita mo na siya? Iyong usapan natin ang alalahanin mo," pagpapaalala sa kanya ni Zion. "Hindi ko talaga siya lalapitan dahil baka lalo lang siyang magalit. Sobrang tanga ko. Tanginang katangahan ko! Tama kayo ng mga sinabi ak

